NHCP Museo ni Mariano Ponce

NHCP Museo ni Mariano Ponce Ating kilalanin ang talambuhay, gawa, at pamana ng bayaning si
Mariano Ponce y Collantes. Telephone number: 617-5189

๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌPlease be informed that the NHCP Central Office & Museums will be ๐—ฐ๐—น๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ on:๐Ÿฌ๐Ÿฎ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, Thursday (Maundy Thur...
30/03/2026

๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

Please be informed that the NHCP Central Office & Museums will be ๐—ฐ๐—น๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ on:

๐Ÿฌ๐Ÿฎ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, Thursday (Maundy Thursday)
๐Ÿฌ๐Ÿฏ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, Friday (Good Friday)
๐Ÿฌ๐Ÿฐ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, Saturday (Black Saturday)

Museum operations resume on Sunday, ๐Ÿฌ๐Ÿฑ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.
Central Office operations resume on Monday, ๐Ÿฌ๐Ÿฒ ๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.



๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฏ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”๐—ก๐—ข ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—–๐—˜๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿฒ๐Ÿฏ - ๐Ÿฎ๐Ÿฎ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ฆ๐—ข - ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒGinugunita ngayong araw ang Ika-163 Taong Kapa...
22/03/2026

๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฏ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š
๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”๐—ก๐—ข ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—–๐—˜
๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿฒ๐Ÿฏ - ๐Ÿฎ๐Ÿฎ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ฆ๐—ข - ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Ginugunita ngayong araw ang Ika-163 Taong Kapanganakan ni Mariano Ponce y Collantes, Propagandista, Repormista, Rebolusyonaryo, Poklorista, at Diplomatiko.

Isinilang si Mariano Ponce noong ika-22 ng Marso 1863 sa Baliuag, Bulacan. Siya ang panganay na anak ng nakatatandang Mariano Ponce at Maria Collantes de los Santos. Bukod kay Mariano, nabiyayaan pa ang mag-asawang Ponce ng tatlo pang anak na sina Vicente, Francisco, at Jacinto.

Natapos ni Ponce ang kanyang elementarya sa Baliwag. Lumipat sa Quiapo, Maynila upang ipagpatuloy ang pag-aaral. Nagtapos si Ponce ng Bachiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila noong 1885. Nagpatuloy siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng kursong medisina ngunit nagpasiya siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Europa.

Noong Hunyo 1887, tumungo si Ponce sa Barcelona upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng medisina. Subalit nang siya ay makarating sa Espanya, naging abala siya sa gawain pulitikal ng mga kanyang kababayan.

Itinatag ng mga Pilipino sa Espanya ang pahayagang La Solidaridad upang palakasin ang kilusan para sa reporma. Pinangasiwaan nina Ponce at ng kanyang mga kababayan ang La Solidaridad ng halos anim na taon. Pagsapit ng 1895, hindi na sapat ang salapi para ipagpatuloy ang pahayagan. Lumabas ang huling isyu ng pahayagan noong ika-15 ng Nobyembre 1895.

Nilisan ni Ponce and Europa at ipinagpatuloy ang pakikibaka sa Hongkong at Hapon. Nahirang si Ponce bilang sugo ng pamahalaang rebolusyonaryo sa Hapon. Dumating siya sa Yokohama noong ika-29 ng Hunyo 1898 at inatasan siyang hilingin ang suporta ng pamahalaang Hapon at bumili ng armas na magagamit sa himagsikan.

Sa bansang Hapon rin niya nakilala ang dalagang si Okiyo Udagawa na kalaunan ay naging asawa niya. Nagkaroon sila ng apat na anak na sina Pedro, Carmen, Consolacion at Mary.

Kahit natapos na ang Rebolusyon, patuloy na isinulong ni Ponce ang Pan-Asyanismo. Lumibot siya sa Tsina, Vietnam, at Cambodia bago bumalik sa Pilipinas noong 1907.

Kinikilala rin si Ponce bilang isa sa mga pinakaunang poklorista ng Pilipinas. Pinamagatan niya ang kanyang akda na El Folk-lore Bulaqueno na tungkol sa mga kuwentong bayan na karaniwang kaugalian at paniniwala sa lalawigan ng Bulacan.

Mula nang maging aktibo sa La Solidaridad hanggang sa mga huling taon ng kanyang buhay, naging hilig ni Mariano Ponce ang pagsusulat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagsimula ito bilang tugon sa hamon ni Rizal na isulat ang talino at talento ng mga kilalang Pilipino upang buwagin ang umiiral na mga negatibong pananaw ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Matapos ng lagpas sa dalawampung taon na paninirahan sa ibayong dagat mula Espanya, Hong Kong, at Hapon, muling nagbalik si Ponce sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya. Kanyang ipinagpatuloy ang mga gawain para sa kapakanan ng bayan noong Disyembre 1907.

Sumapi siya sa Partido Nacionalista at naluklok bilang kalihim nito. Itinatag niya ang opisyal na pahayagan nito na El Ideal. Naging patnugot din siya ng pahayagang El Renacimiento.
Nagsilbi rin si Ponce bilang Kinatawan ng Pangalawang Distrito ng Bulacan sa Asamblea Filipina mula 1909 hanggang 1912. Pinili siya ni Ispiker Sergio Osmeรฑa na mamuno sa Komite ng mga Aklatan at binuo niya ang Bibliografia Parliamentaria.

Yumao si Ponce noong ika-23 ng Mayo 1918 sa Hong Kong habang patungo sana siya sa Tsina upang bisitahin ang kanyang matalik na kaibigan na si Dr. Sun Yat-sen na noon ay naging pangulo na Republika ng Tsina. Naulila niya ang kanyang asawang Hapon na si Okiyo Udagawa at apat nilang anak.

Iniuwi ang mga labi ni Ponce sa tulong ng kapwa niya mason. Idinaos ang lamay sa templo ng lohiya ng Sinukuan sa Kalye Bilbao, Tondo, Maynila. Inilibing siya sa Cemeterio del Norte (ngayon ay Manila North Cemetery) noong ika-15 ng Hunyo 1918. Noong ika-19 ng Mayo 1951, iniuwi ang kanyang mga labi sa Baliwag, Bulacan.



๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐„๐Œ๐Ž๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡ ๐€๐๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜ ๐Ž๐… ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€๐๐Ž ๐๐Ž๐๐‚๐„ ๐Ÿ๐Ÿ ๐Œ๐€๐‘๐‚๐‡ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”BALIWAG CITY โ€“ The National Historical Commis...
22/03/2026

๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐„๐Œ๐Ž๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ‘๐ซ๐
๐๐ˆ๐‘๐“๐‡ ๐€๐๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜ ๐Ž๐… ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€๐๐Ž ๐๐Ž๐๐‚๐„
๐Ÿ๐Ÿ ๐Œ๐€๐‘๐‚๐‡ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

BALIWAG CITY โ€“ The National Historical Commission of the Philippines (NHCP), in coordination with the Provincial Government of Bulacan and the City Government of Baliwag, conducted the commemoration of the 163rd Birth Anniversary of Mariano Ponce today, 22 March 2026, 8:00 a.m., at the NHCP Museo ni Mariano Ponce, M. Ponce St., Baliwag City, Bulacan.

The flag-raising and wreath-laying ceremonies were facilitated by Deputy Executive Director for Administration of NHCP; Director Rosario V. Sapitan, Mr. Erickson Eleria, Executive Assistant from the Provincial Governor's Office, representing Bulacan Governor Daniel R. Fernando; Mr. Jacinto Ponce Gonzales, representative of the descendants of Mariano Ponce; PCPT. Roland R. Tariga, representing PLTCOL Jayson San Pedro, OIC PNP CPS - Baliwag, and Mr. Enrique Tagle, City Administrator of Baliwag City, representing Baliwag City Mayor Sonia V. Estrella as Guest of Honor. Representatives from other national and local government agencies, military, civic, religious and historical groups also joined the commemorative event.

The NHCP is the national government agency mandated to promote and preserve Philippine historical heritage through research and publication, heraldry, conservation, marking of historic sites and structures, and administration of national shrines and museums.



Ang NHCP Museo ni Mariano Ponce katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Pamahalaang Panlungsod ng Baliwag ay...
17/03/2026

Ang NHCP Museo ni Mariano Ponce katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Pamahalaang Panlungsod ng Baliwag ay nakatakdang isagawa ang palatuntunang pag alaala sa ika-163 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Mariano Ponce sa darating na 22 Marso 2026. Ang palatuntunan sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Mariano Ponce ay magsisimula sa ganap na 8:00 N.U. na susundan ng mga talumpati mula sa NHCP at mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa NHCP Museo ni Mariano Ponce, Brgy. Tibag, Lungsod ng Baliwag, Bulacan.

Bilang patuloy na pagpupugay sa kanyang kabayanihan, sama-sama nating alalahanin at bigyang-pugay si Mariano Ponce hinggil sa kanyang mga nagawa para sa pagkamit ng katotohanan at kalayaan para sa bayan.




๐…๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐Ž๐Š๐ˆ๐˜๐Ž ๐ˆ๐ ๐“๐‡๐„ ๐๐‡๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐๐ˆ๐๐„๐’: ๐‰๐€๐๐€๐๐„๐’๐„ ๐‡๐ˆ๐’๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐€๐ ๐…๐‘๐Ž๐Œ ๐˜๐Ž๐Š๐Ž๐‡๐€๐Œ๐€, ๐‰๐€๐๐€๐ ๐•๐ˆ๐’๐ˆ๐“๐„๐ƒ ๐๐‡๐‚๐ ๐Œ๐”๐’๐„๐Ž ๐๐ˆ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€๐๐Ž ๐๐Ž๐๐‚๐„ ๐ˆ๐ ๐’๐„๐€๐‘๐‚๐‡ ...
15/03/2026

๐…๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐Ž๐Š๐ˆ๐˜๐Ž ๐ˆ๐ ๐“๐‡๐„ ๐๐‡๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐๐ˆ๐๐„๐’: ๐‰๐€๐๐€๐๐„๐’๐„ ๐‡๐ˆ๐’๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐€๐ ๐…๐‘๐Ž๐Œ ๐˜๐Ž๐Š๐Ž๐‡๐€๐Œ๐€, ๐‰๐€๐๐€๐ ๐•๐ˆ๐’๐ˆ๐“๐„๐ƒ ๐๐‡๐‚๐ ๐Œ๐”๐’๐„๐Ž ๐๐ˆ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€๐๐Ž ๐๐Ž๐๐‚๐„ ๐ˆ๐ ๐’๐„๐€๐‘๐‚๐‡ ๐Ž๐… ๐‘๐„๐…๐Ž๐‘๐Œ๐ˆ๐’๐“'๐’ ๐‰๐€๐๐€๐๐„๐’๐„ ๐–๐ˆ๐…๐„

BALIWAG CITY, BULACAN - The Museo ni Mariano Ponce recently welcomed distinguished historian and Professor Emeritus Hiroshi Onishi from Ferris University in Yokohama, Japan, for specialized historical research in Baliwag City, Bulacan from 6 - 12 March 2026. The visit focused on gathering historical data regarding the life of Okiyo Udagawa, the Japanese wife of the renowned Filipino reformist and national hero, Mariano Ponce.

By exploring the museumโ€™s archives and local historical context, Prof. Hiroshi aims to unveil Okiyo Udagawaโ€™s experiences from early 20th century until the wartime period in the Philippines. He focused his research on the role of Okiyo within the profound historical and cultural bridge built between Japan and the Philippines through her marriage to Mariano Ponce. Prof. Hiroshi also shared his new research findings from Japan about Okiyo through a lecture in Baliwag City on 6 March 2026.

This collaboration, held in partnership with the UP Center for International Studies, the Provincial Government of Bulacan, the Local Government of the City of Baliwag, and Pangkat Saliksik ng Bayan, highlights the enduring historical connection between the Philippines and Japan during the late 19th and early 20th centuries. It is organized in line with the celebration of National Women's Month and the 163rd birth anniversary of Mariano Ponce on 22 March 2026.





๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—š๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—š (๐—˜๐—ž๐—ฆ๐—œ๐—•๐—œ๐—ง) | ๐Ÿฎ๐Ÿฎ ๐—ฃ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ฅ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - ๐Ÿฎ๐Ÿณ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ฆ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒBilang patuloy na pakikiisa sa nagdaang Pam...
05/03/2026

๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—š๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—š (๐—˜๐—ž๐—ฆ๐—œ๐—•๐—œ๐—ง) |
๐Ÿฎ๐Ÿฎ ๐—ฃ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ฅ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - ๐Ÿฎ๐Ÿณ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ฆ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Bilang patuloy na pakikiisa sa nagdaang Pambansang Buwan ng mga Sining na may temang, "โ€œAni ng Sining: Katotohanan at Giting", inihahandog ng NHCP Museo ni Mariano Ponce katuwang ang pamahalaang panlungsod ng Baliwag sa pamamagitan ng Tanggapang Panlungsod sa Kultura, Sining, at Turismo ang isang eksibit na pimagatang Sining Naning 2026: Giting Naning!

Ang Sining Naning ay taunang programa ng NHCP Museo ni Mariano Ponce tuwing Pebrero bilang pakiisa pagdiriwang Pambansang Buwan ng mga Sining. Layunin ng programang ito pagyamanin at itanghal ang talento ng mga Bulakenyong alagad ng sining mula sa iba't - ibang larangan ng paglikha ng obra.

Sa taong ito, itinatampok ng Sining Naning ang isang eksibisyon ng mga likhang-sining nakatuon sa kabayanihan, giting at katotohanang ipinanglaban ni Mariano Ponce sa agos ng kasaysayang Pilipino. Ang eksibit na ito rin ay nakaugnay sa nalalapit na pag-alaala sa ika-163 anibersaryo ng kapanganakan ni Mariano Ponce sa darating na ika-22 Marso 2026.

Ang eksibit ay bukas sa publiko, mangyaring tumungo sa NHCP Museo ni Mariano Ponce mula ika-22 Pebrero 2026 hanggang ika - 27 ng Marso 2026 upang matunghayan ang mga mahuhusay na likhang-sining para kay Naning mula sa lalawigan ng Bulacan.




๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—ข๐—ก ๐—›๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ | "๐—œ๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ข๐——๐—จ๐—–๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—–๐—˜ ๐—”๐—ก๐—— ๐—ž๐—œ๐—ฌ๐—ข'๐—ฆ ๐—ง๐—œ๐— ๐—˜ ๐—œ๐—ก ๐—๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก" ๐—•๐—ฌ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—™. ๐—›๐—œ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—›๐—œ ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—›๐—œ, ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—จ๐—ฆ, FACULTY O...
05/03/2026

๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—ข๐—ก ๐—›๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ | "๐—œ๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ข๐——๐—จ๐—–๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—–๐—˜ ๐—”๐—ก๐—— ๐—ž๐—œ๐—ฌ๐—ข'๐—ฆ ๐—ง๐—œ๐— ๐—˜ ๐—œ๐—ก ๐—๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก" ๐—•๐—ฌ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—™. ๐—›๐—œ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—›๐—œ ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—›๐—œ, ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—จ๐—ฆ, FACULTY OF GLOBAL AND INTERCULTURAL STUDIES, FERRIES UNIVERSITY ๐—œ๐—ก ๐—ฌ๐—ข๐—ž๐—ข๐—›๐—”๐— ๐—” ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ, ๐—๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก

In line with the commemoration of the 163rd Birth Anniversary of Mariano Ponce, this coming 22 March 2026, this lecture Prof. Emeritus Hiroshi Onishi from Ferris University through the UP Diliman - Center for International Studies (UPCIS) examines the strategic and personal significance of Mariano Ponceโ€™s residence in Japan from 1898 to 1907, a period that redefined Philippine diplomacy during the revolutionary era. Tasked by the Aguinaldo government to secure international recognition and military aid, Ponceโ€™s mission transformed Japan into a critical base for Pan-Asianist collaboration. The discourse explores his sophisticated networking with Japanese statesmen and his alliance with Sun Yat-sen, illustrating how Ponce shift away from European-centric reformism toward a vision of regional solidarity. This events highlights the daring, though often tragic Nunobiki Maru expedition, marking a desperate but foundational effort to professionalize the Philippine revolutionary forces through Asian support.

Beyond the political maneuvers during the late 19th century Philippines, it also focuses on the profound cultural bridge built through Ponceโ€™s marriage to Okiyo Udagawa. Their union was not merely a private romance, but a living embodiment of the "Philippine-Japanese Relations" Ponce championed, providing a domestic life of a revolutionary in exile. By analyzing their shared journey, the lecture humanizes the diplomatic struggle, showing how personal relationships influenced Ponceโ€™s writings and his enduring advocacy for Asian identity. The narrative of Ponce and Kiyo serves as a testament to the early ties between the Philippines and Japan, framing the revolution as a precursor to a broader continental awakening against Western imperialism.

For interested participants, please refer to the event details from the poster below. You may also send your inquiries to the official communication channels of the NHCP Museo ni Mariano Ponce through email ([email protected]) and contact number (09054745154).



๐’๐„๐‘๐˜๐„ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐† ๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ‘ ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐†๐€๐๐€๐Š๐€๐ ๐๐ˆ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€๐๐Ž ๐๐Ž๐๐‚๐„ | ๐Ÿ๐Ÿ–๐Ÿ”๐Ÿ‘ ๐ˆ๐Š๐€...
05/03/2026

๐’๐„๐‘๐˜๐„ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐๐€๐† ๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ‘ ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐†๐€๐๐€๐Š๐€๐ ๐๐ˆ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€๐๐Ž ๐๐Ž๐๐‚๐„ | ๐Ÿ๐Ÿ–๐Ÿ”๐Ÿ‘ ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ ๐Œ๐€๐‘๐’๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

LUNGSOD NG BALIWAG - Bilang bahagi ng taunang pag gunita sa anibersaryo ng kapangakan ni Mariano Ponce ngayong buwan ng Marso, inihahandog ng NHCP Museo ni Mariano Ponce, katuwang ang mga piling tanggapan ng pamahalaang lokal, mga lokal na samahang pansibiko at mga lokal at pandaigdigang institusyon pangakademiko, ay inihahandog ang serye ng mga programang pampubliko bilang pag alaala sa kabayanihan ng bayaning Baliwagenyo na si Mariano Ponce sa kanyang nalalapit na ika-163 anibersaryo ng kanyang kapanganakan sa darating na ika-22 Marso 2026.

Sa mga nagnanais na makilahok mula sa publiko, manatiling naka subaybay sa mga mahahalagang anunsyo ng museo at mga katuwang na tanggapan. Mangyaring bigyan pansin ang mga detalyeng nakalahad sa paskil sa ibaba hinggil sa mga programang isasagawa.

Para sa mga katanungan, makipagugnayan sa tanggapan ng NHCP Museo ni Mariano Ponce. Maaari rin magpadala ng mga mensahe at katangunan sa opisyal na email address at numero ng museo, [email protected] at 090054745154.



13/02/2026

Ngayong Pebrero 2026 ay ilulunsad ng mga museo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP), kabilang ang NHCP Barasoain Church Historical Landmark - Museo ng Republika ng 1899 , NHCP Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas , NHCP Museo ni Mariano Ponce , at NHCP Museo ni Marcelo H. del Pilar, ang ikalawang taon ng "SINULOK: Sining sa Sulok." Ito ay bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Sining (National Arts Month), na may tema ngayong taon na โ€œAni ng Sining, Katotohanan at Giting.โ€

Layunin nitong bigyang-daan ang mga bisita na maipahayag ang kanilang sining sa pamamagitan ng pagguhit, pagpinta, at iba pang malikhaing paraan sa isang itatalagang sulok sa bawat museo. Ang mga mabubuong likha ay magsisilbing salamin ng katotohanan at giting ng mga mamamayan sa lokal na pamayanang pang-sining ng Bulacan. Inaanyayahan ang lahat na makilahok at makiisa sa pagdiriwang.



โ•โ•๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌโ•โ•
30/10/2025

โ•โ•๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌโ•โ•

โ•โ•๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌโ•โ•

Please be informed that the NHCP Central Office & Museums* will be ๐—ฐ๐—น๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—ผ๐—ป ๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐Ÿฏ๐Ÿญ ๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐˜๐—ผ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐Ÿญ ๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ in observance of All Saints' Day.

๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐’๐ฎ๐ง๐๐š๐ฒ, ๐Ÿ ๐๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“.

*The Nagcarlan Underground Cemetery Historical Landmark, Emilio Aguinaldo Shrine, and Baldomero Aguinaldo Shrine will be open for families interred therein. The museums will remain closed.
---
Ipinapabatid po na ang tanggapan ng NHCP sa Maynila at ang mga Museo* na nasa pangangalaga nito ay ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜€, ๐Ÿฏ๐Ÿญ ๐—ข๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ, ๐Ÿญ ๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ para sa Undas.

๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐—ฑ๐˜†๐˜‚๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ, ๐Ÿฎ ๐—ก๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ.

*Mananatiling bukas ang Pook Pangkasaysayan ng Libingan sa Ilalim ng Lupa ng Nagcarlan, Dambanang Emilio Aguinaldo, at Dambanang Baldomero Aguinaldo para sa mga kapamilya at mahal sa buhay ng mga nakalibing sa mga pook na ito.

EFEMERIDES FILIPINAS 2025: PALIHANG PANGKASAYSAYAN NG BALIWAG29 Agosto 2025 - Sa pagtutulungan ng NHCP Museo ni Mariano ...
01/09/2025

EFEMERIDES FILIPINAS 2025: PALIHANG PANGKASAYSAYAN NG BALIWAG

29 Agosto 2025 - Sa pagtutulungan ng NHCP Museo ni Mariano Ponce, Panlalawigang tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Tourismo ng Pamahalaang Panlalawigang ng Bulacan, Tanggapan ng Sining, Kultura at Turismo ng Pamahalaang Panlungsod ng Baliwag, Baliwag Arts and Culture Council at Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag ay matagumpay na pinasinayaan ang kauna-unang serye ng taunang palihan na pinamagatang, "EFEMERIDES FILIPINAS 2025: PALIHANG PANGKASAYSAYAN NG BALIWAG" sa bulwagan ng bahay pamahalaan ng Lungsod ng Baliwag, Bulacan. Ito ay bilang patuloy na pagtalima sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan na may temang, "Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan."

Nagbahagi at tinalakay ni Dr. Norman Zafra, mula sa Pamantasang De La Salle, Maynila ng kayang mga bagong saliksik at nagawang pandaigdigang dokumentaryo hinggil sa mahalagang yugto ng buhay ng bayaning si Mariano Ponce bilang diplomatiko sa Yokohama, bansang Hapon noong panahon ng Unang Republikang Pilipjno. Nilalaman ng dokumentaryo ni Dr. Zafra ang mga bagong tuklas at pagtutuwid sa kasaysayan ng bayaning si Ponce sa bansang Hapon. Binigyan diin ni Dr. Zafra ang kahalagahan ng pagsasagawa ng dokumetaryo at pelikula bilang kaparaanan sa pananaliksik pangkasaysayan.

Sumunod na nagbahagi si G. Edgar Alan Sembrano mula sa Philippine National Historical Society ng kanyang mahalagang tuklas at pagbasa sa isang matandang dokumento mula pa noong 1649 hinggil sa huling pahimakas o habilin ni Doรฑa Catalina Sangnilay ng Baliuag. Ang kritikal na tuklas at saliksik na ito ni G. Sembrano ay nagbukas sa makasaysayang pananaw hinggil sa Baliwag bilang isang sinaunang pamayanan na mayroong mayamang pre-koloniyal na kultura noong mga unang bahagi ng kolonisasyon sa lalawigan noong ika-17 siglo. Batay sa lektura, mababanaag sa kontekswual na espasyo ng Baliwag bilang isang pamayanang sakop ng pueblo ng Quingua, mga pamantayang panrelihiyon na ipinatupad ng mga prayle, sistema pang ekonmiya sa ari-arian, pangasiwaan at paglilipat ng mga manang kalupaan at marami pang ibang bagay na maaaring matuklasan na nilalaman ng dokumento.

Ang nasabing palihan ay nilahukan ng mga mag-aaral ng kasaysayan mula sa Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag, mga kinatawan ng mga lokal na samahang pangkasaysayan, mga pinuno ng lokal na pamahalaan at mga pribadong mamamayan.

Sa ngalan ng mga tagapangasiwa, katuwang at nakilahok sa programang ito, maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa mga gawaing pampamayanan na may layuning magsulong, pagyamanin at pangalagaan ang mayamang lokal na kasaysayan, kultura at pamana sa Lungsod ng Baliwag at Lalawigan ng Bulacan.



Address

Baliuag
3006

Opening Hours

Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm
Saturday 9am - 4pm
Sunday 9am - 4pm

Telephone

+639054745154

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NHCP Museo ni Mariano Ponce posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to NHCP Museo ni Mariano Ponce:

Share

Category