History of Bataan

History of Bataan Nilalayon ng page na ito na palaganapin ang kasaysayan ng Bataan.

(LECTURE DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA, JAN. 8, 2026 ON THE 269th FOUNDATION OF BATAAN)SAAN GALING ANG PANGALANG ‘M...
30/01/2026

(LECTURE DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA, JAN. 8, 2026 ON THE 269th FOUNDATION OF BATAAN)

SAAN GALING ANG PANGALANG ‘MABATÁNG’?

KUWENTO NG LAHAT NG MATANDA NOON, ang meaning ng pangalang ‘MABATANG’, ay “maraming batang.” Prefix ang ‘ma’ ng ‘marami’. Tama naman ang kwento.

Tanong: “Ano ang ‘batang’?” Sagot nila: “halaman”!

Tanong ulit” Nasaan yon?

YUN ANG PROBLEMA! WALA NI ISA MAN nakapagturo kung nasaan ang ‘batang.’

Ang dahilan? Hindi halaman ang ‘batang’. Galing ito sa batáŋ (pronounce as “batáng”) na salitang Austronesian – ang mga ninuno natin mula Formosa at Sunda Shelf ng Southeast Asia.)

Ang ‘batáng’ ay: ANO MANG PUNONG NAKATAYO, NAKABUWAL, NAKALUTANG SA ILOG O NAKAHARAP SA DAGAT. Generic ito. Ano mang puno ay ‘batang.’ Hindi specific. Pati bakawan sa Manila Bay, ‘batang’ din.

May mga barangay sa Pilipinas na “Batáng.’ Pareho din ang meaning: Bgy Batang sa Sasmuan, Pampanga; Bgy Batang sa Hernani, East Samar; Bgy Batang sa Gonzaga, Cagayan; Bgy Batang-batang sa Victoria, Tarlac, at Batang sa Java, Indonesia.

Dahil 80% gubat at bundok ang Bataán, laganap ang ‘batang.’ Iyan din ang dinatnan ng mga Kastila sa BATANGas at BATANes.

Dahil sagana sa ‘batang,’ magnet ang mga bundok at bakawan ng Mabatang sa mga mangangahoy. Ayon sa matatanda, nanguna ang mga Kapampangan -- panahon pa ng kastila hanggang mag 1941. Marami sa kanila hindi na umuwi.

Nakakapagtaka pa ba kung bakit Kapampangan ang Mabatang?

Text: Cornelio R. Bascara
Reference: Robert Blust, Stephen Trussel & Alexander D. Smith (2023). CLDF Database direct Blust’s Austronesian Comparative Dictionary (v1-2). Photo credits: Trees by Mikhail Peace – prexel; fallen trees by Muhammad Mahedi Hasan – pexel.




facebook.com/cornbas.histbataan/

(LECTURED DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA, JAN. 8, 2026 ON THE 269TH FOUNDATION OF BATAN)MORONG – ANG ‘MOUNTAIN PROVI...
29/01/2026

(LECTURED DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA, JAN. 8, 2026 ON THE 269TH FOUNDATION OF BATAN)

MORONG – ANG ‘MOUNTAIN PROVINCE’ NG BATAAN

Nakatutuksong iugnay ang pangalang ‘Morong’ sa ‘Moro.” Pero wala pa sa kamalayan ng mga Bataeño noong panahon na magpangalan ng bayan lalo pa at hinango ang pangalan sa tao o kaganapan (events).

Posibleng “Mariuma” ang unang pangalan ng Morong. (See map). Bundok kaya ito?

Pinalitan ang “Mariuma” ng mga Kastila ng ‘morro.’ Ayon sa Vocabulario de la Lengua Tagala ni P. Noceda at P. Sanlucar (1860), ang ‘morro’ ay ‘burol’, ‘gulod’, ‘bundok’, o ‘tuktok ng bundok. Dagdag pa ang mga ‘rolling hills,’ plateaus, lambak,’ (Tulad ng ‘Morro de Orion.” [See map]).

Akma ang pangalang ‘morro’ sa Morong sa dami ng mga bundok dito: Mt. Cairocan, Guitis, Maligas, Cataybang, Llacnis, Damalang, Atilao, Natib, Silangan…(Para sa ideya, tingnan ang Google map.)

Nawala ang dobleng /r/ sa ‘morro’ dahil wala ito sa Tagalog. Nadagdag ang /ng/ sa ‘Morong’ dahil dynamic ang wika. Nagbabago overtime. Dahil hindi mabigkas ng mga Kastila ang /ng/, naging Moron.

Negatibo ang konotasyon ng ‘Moron’. Ibinalik sa pamamagitan ni Cong. Jose R Nuguid ang ‘Morong’ sa bisa ng RA1249 noong June 10, 1955.

Malalim ang sense of history ng mga taga Morong. Hindi kinailangang palitan ang pangalan ng bayan. Ang ‘MORONG’ ay paglalarawan ng likas na anyo nito. Salamin din ito ng kasaysayan – ang pagsisikap ng taumbayan, pagdurusa, ang vision sa future, at pagkakaisa.

Ibig sabihin, BINUBURA ANG KASAYSAYAN KAPAG PINALITAN ANG PANGALAN NG BAYAN.

Text by Cornelio R. Bascara
Credits: Google Earth/ All maps from Wikimediacommons/ Supreme Court E-Library (2019)



facebook.com/cornbas.histbataan/

(LECTURE DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA, JAN. 8, 2026 ON THE 269TH FOUNDATION OF BATAAN)                            ...
28/01/2026

(LECTURE DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA, JAN. 8, 2026 ON THE 269TH FOUNDATION OF BATAAN)

BATÁNG, BATÁN OR BATAÁN?

ANG BATAÁN AY HINDI PANGALAN ng isang bayani, mga Kabataan, o ng ‘palakang batán’. O “Land of the batà (Aeta).

Galing ang pangalang Bataán sa batáŋ (pronounce as “batáng”). Ito ay salitang Austronesian – ang mga ninuno natin mula Formosa at Sunda Shelf ng Southeast Asia.)

Ang ‘batáng’ ay: ANO MANG PUNONG NAKATAYO, NAKABUWAL, NAKALUTANG SA ILOG O NAKAHARAP SA DAGAT.

Dahil 80% gubat at bundok ang Bataán, sagana ito sa mga ‘batang’. Ito rin ang eksenang inabutan ng mga kastila sa BATANGas at BATANes.

May mga barangay sa Filipinas na “Batáng.’ Pareho din ang kahulugan: Bgy Batang sa Sasmuan, Pampanga; Bgy Batang sa Hernani, East Samar; Bgy Batang sa Gonzaga, Cagayan; Bgy Batang-batang sa Victoria, Tarlac, at Batang sa Java, Indonesia.

Bakit hindi BATÁNG ang pangalan ng Bataán? Hindi mabigkas ng Kastila ang /ng/. Sa mga mapa at dokumento, BATAN O VATAN ang nakasulat. Kaya nga: Batáng > Batán; Morong > Moron; Uryong > Orion; Mabatang > Mabatan.

Bakit hindi BATÁN? Mahaba ang bigkas ng Kastila sa last syllable. Parang agos na dumadaloy. Sa Tagalog likas ang glottal stop, o biglang impit. Kaya, Bata’an.

Kung iba ang bigkas ng mga Bataeño, ito ay “collective decision” o “assertion” ng pagpahayag ng sariling kalinangan at pagkamulat.

Text: Cornelio R. Bascara
Credits: Robert Blust, Stephen Trussel & Alexander D. Smith (2023). CLDF Database direct Blust’s Austronesian Comparative Dictionary (v1-2) / Richard Leneau Creative common.org /licences/by-sa/3.0/. No changes made./castorlystock – pexels/ 1753 Murillo y Velarde Map/EP-Bataan.


History of Bataan

(LECTURE DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA, JAN. 8, 2026 ON THE 269TH FOUNDATION OF BATAAN)FROM MARANI  TO  MARUANI  TO...
27/01/2026

(LECTURE DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA, JAN. 8, 2026 ON THE 269TH FOUNDATION OF BATAAN)

FROM MARANI TO MARUANI TO ORANI

PARTE NG PAMPANGA ANG BATAAN NONG UNANG PANAHON. BAGO PA MAG 1521. (See map).

AT MARANI (Orani ngayon) ang nagdugtong sa Bataan sa Pampanga. (Wala pang Hermosa).

Sa wikang Sambal (Zambales), ang meaning ng ‘marani’ ay ‘malapit’, o ‘karatig’. Sa English, ‘contiguous’ o ‘next to’, ‘next in space’, ‘neighboring’, ‘alongside’, ‘adjoining’, ‘adjacent’.

Pero, ang tinutukoy na ‘marani’ (o malapit) sa Pampanga ay ang BATAAN! Hindi ang kasalukuyang Orani. Ang ‘marani’ ay preposition o adverb.

Ibig sabihin, ang ‘BATAAN -- ay marani sa Pampanga” ‘malapit sa Pampanga’ ‘karatig ng Pampanga’ o ‘karugtong ng Pampanga’ o ‘next to Pampanga’, ‘alongside Pampanga’, ‘adjoining Pampanga. etc.

Dahil sa papel ng kasalukuyang Orani bilang “taga dugtong” sa Bataan at Pampanga, naging pangalan na ng bayan ang ‘marani’.

Bakit ‘marani’? Ang Sambal (na wika din ng mga Aeta Magbukon) ay may elementong Austronesian (mga ninuno natin mula Formosa at Sunda Shelf sa Southeast Asia).

Ano ang kaugnayan ng Sambal sa Bataan? Base sa mga name places ng Dinalupihan at Hermosa -- Colo, Tapulao, Naparing, Tucop, etc – na pawang Sambalic, hindi lamang sa Pampanga nag settle ang mga Sambal kundi hanggang Bataan.

Bakit naging Maruani ang Marani? Dahil ang wika ay nag e evolve, nagbabago ng anyo, o tunog depende sa bumibigkas. Di naglaon, ang Maruani ay naging Orani – naging Kastila.

Nang isilang ang Hermosa noong April 3. 1756, ganap ng nahiwalay ang Orani sa Pampanga.

Credit: Boxer Codex/ 1600-1699 Carte manuscrite des iles des Philippines y compris detail./Robert Blust, Stephen Trussel & Alexander D. Smith (2023). CLDF database direct Blust’s ‘Austronesian Comparative Dictionary (v1.2 /”Sambal Language” & “Sambal People” in Wikipedia.


facebook.com/cornbas.histbataan/

26/01/2026

:Ii|: Sayang!🍜

The Bunker, Capitol Compound, Balanga City 🌆
19 December 2021

(LECTURE DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA JAN., 8, 2026 ON THE 269TH FOUNDATION DAY OF BATAAN)              FROM KAMAY...
26/01/2026

(LECTURE DELIVERED AT LA VISTA MALL BALANGA JAN., 8, 2026 ON THE 269TH FOUNDATION DAY OF BATAAN)

FROM KAMAYA TO MIRABILIS TO MARIVELES

HINDI IPINANGALAN ANG MARIVELES kay Maria Velez, ang mongha ng Sta. Clara sa Intramuros at kasintahan ng isang Franciscan monk). Itinatag ang kumbento ng Sta. Clara noong 1621 samantalang Mariveles na ang pangalang ito ayon sa mapa noong 1616. (See map).

At lalong hindi sa “Five Fingers” ipinangalan ang Kamaya na dating pangalan ng Mariveles. Ang Kamaya ay salitang Austronesian (ninuno natin sa Formosa at Sunda, South East Asia). Ang meaning ng ‘Kamaya’ ay ‘kamagong’ – ang ‘ironwood’ ng Filipinas. Ang bunga nito ay ang “talang’ (sa Kapampangan, Ibanag, Gaddang), o mabolo sa Tagalog.

Pinalitan ng Kastila ang ‘Kamaya’ sa “Mirabilis” -- salitang Latin. (See map). Mirabilis -- -ibig sabihin, MARAVILLOSO (sa Spanish). Sa English, MARVELOUS, WONDERFUL, SUPERB, AMAZING, STUNNING, MAJESTIC…Kulang ang adjectives para ilarawan ang pambihirang ganda ng Mariveles.

Hindi lang ito: kanlungan pa ang Mariveles sa mga barko pag masungit ang panahon. May excelenteng puerto; yamang dagat, gubat, mineral at posibleng minahan ng diamante.

Iba-iba ang bigkas ng Mariveles ayon sa banyagang bumibigkas nito. Sa mga mapa, mayroong Mirabelle, Marivella, Marabella, Miravel, Mirabiles…Ang mga Pilipino, may bumibigkas ng Marabeles, Marabelis, Marbeles, Maribelis.. Noong gitnang 1700s, stable na ang pangalang Mariveles.

Kahit ano ang bigkas, para sa Kastila at banyaga, ang Mariveles ay koronang kumikinang mula sa Manila Bay at West Philippine Sea.

Kaya nga first capital pa ng Bataan ang Mariveles, Noong 1757.

Text: Cornelio R. Bascara
Credit: Mariveles Sisiman View by Patrickroque01. Creativecommons.org/licences/by-sa/4.0/. No changes made./ Robert Blust, Stephen Trussel and alexander D. Smith (2023). CLDF Database direct Blust's Austronesia Comparative Dictionary (v1.2)/ Aankomst in de baai va Manilla de Filipijnen, 1616/ Indian quae Orientalis Dicitur et insulae adiecentes by Justus Danclerts, 1650 (in public domain).


History of Bataan

(LECTURE READ AT VISTA MALL BALANGA JAN 8 206 ON  269TH FOUNDATION DAY OF BATAAN)“ABU KINALAYKAY,” vs. THE BIRD “ABUKAY”...
25/01/2026

(LECTURE READ AT VISTA MALL BALANGA JAN 8 206 ON 269TH FOUNDATION DAY OF BATAAN)

“ABU KINALAYKAY,” vs. THE BIRD “ABUKAY”

Ang problema sa “abu kinalaykay’ (or Abukay), ay legend lang ito. Isang formula:

“May Kastila, nagtanong ng pangalan ng lugar, AKALA ng tinanong, ano ito, o iyon. Sumagot. At naniwala ang Kastila.

May rhyme pa: “abu kinalaykay (dahil nangangalaykay ang mga tao sa abo (matapos ang sunog), in, short: Abukay! ” Or, “uod yon,” for Udyong; or “Orang magmamani,” for Orani; Kamaya, for “Five Fingers” of Mariveles; or, “mga Moro, umurong,” for Morong.

Ang problema sa formulang ito: 1/ malimit, wala itong historical basis; 2/ base lang sa “akala…akala;” 3/ hindi pa nagkaroon ng opisyal na pangalan ang lugar kundi pa nagtanong ang Kastila.

Intimate ang relasyon ng tao sa isang lugar na may pakinabang. PALAGI. Ibig bang sabihin, nasunog lagi ang Abukay, laging nangangalaykay ang mga tao?

Sa Bataan, ang mga name places ay base sa KALIKASAN, sa NATURE. HINDI SA TAO. HINDI SA EVENTS.

Ang “abu kinalaykay” ay sagisag ng pangmamaliit sa taumbayan na Ok na mangalaykay na lang -- sa halip na gamitin ang talino para bumangon.

Ang ibong Cacatua haematuropygia, o ibong abukay, ay sagisag ng kagandahan, kamahalan, katatagan, kasayahan, pagsasamahan at mahabang buhay.

Credit: Wikimedia Commons, in public domain.

facebook.com/cornbas.histbataan/

(LECTURE READ AT LA VISTA MALL BALANGA JAN 8 2026 ON THE 269TH FOUNDATION OF BATAAN) ANO ANG ORIGIN NG PANGALANG ABUKAY?...
25/01/2026

(LECTURE READ AT LA VISTA MALL BALANGA JAN 8 2026 ON THE 269TH FOUNDATION OF BATAAN)

ANO ANG ORIGIN NG PANGALANG ABUKAY?

NOONG WALA PA ANG KASTILA, ang pangalan ng tao ay base
sa katangian nito: Maliksi (alert, quick); Tigas (brave, hard);
gawain: Bantay (guard, vigilante); Datu (chieftain); Baluyot (sack-
maker);
pinanggalingan: Ilaya (from the uplands); Bondok (mountain);
o bagay: Diwa (essence); Bugay (gift, dowry)

Panahong Kastila, naging apelyido ito.

Tulad sa tao, ang mga lugar ay batay sa katangian :
Balut (grassland -- Orani, Pilar, Orion);
Mabatang (maraming punong batang);
Kalagiman (halamang kalagimay);
Udyong (cliff, or headland jutting towards the sea);
Mulawin (molave - Orani)

Panahong Kastila, naging kalye ito, barangay, o bayan.

Base sa kaugaliang ito, ang pangalang Abukay ay hango sa ibong 'abukay' (Cacatua haematuropygia). Ang habitat nito ay mga lati o mangrove, o bakawan at coastal areas ng Orani, Samal, Abucay at Orion. Sa mapa (Google), malawak ang latian ng Abucay na abot hanggang población, Kalaylayan, at plaza ng Mabatang.

Ayon sa Tala Foundation, may “helmet crest to red undertail coverts” ang ibong abukay; may puting balahibo, 12.2 inches at 8.6 wingspan. At nagagaya ang boses ng tao.

Laganap noon ang 'abukay' sa BUONG Pilipinas. Ngayon, ayon sa Tala Foundation, critically endangered na ang 'abukay' dahil deforested na ang mga bakawan. Kumpirmado ang status na ito sa Bataan ng Avibase-World Bird Database. Panahon pa ni Bataan Gov. Doroteo Punzalan (1827), wasak na ang mga bakawan dahil sa tindi ng demand sa panggatong sa Bataan, Cental Luzon at Manila.

Sa interview ko sa matatanda noong 1964, kilala ng ilan ang ibon sa pangalang “bukay.” Ang iba, may ibon, pero hindi na kilala.

Nang tanungin ko ang origin ng pangalang “Abukay”, ang sagot nila: “abu, kinalaykay!”

Credits: organizatuempresa Pixabay/Katala Wikimedia Commons/Katala Foundation/Avibase


facebook.com/cornbas.histbataan/

HALALANG BAYAN SA BATAAN, 1891Makikita sa balota ang mga inihalal sa pagka Gobernadorcillo (mayor) ni Cabeza de barangay...
26/02/2025

HALALANG BAYAN SA BATAAN, 1891
Makikita sa balota ang mga inihalal sa pagka Gobernadorcillo (mayor) ni Cabeza de barangay Eugenio Guanzon ng Abucay noong Abril 2, 1890. Ang prayoriti nito ay si Tomas Carlos; pangalawa, si Silvestre Ongoco.

Lahat ng mga nanungkulan at kasalukuyang halal ng bayan ay nagtipon sa Tribunal. Lahat ay kandidato. Pinili nila (secret balloting) ang kanilang napupusuang bagong opisyal (cabeza, pulis, inspektor ng kabuhayan, etc.) maliban sa kanilang sarili. Ang mga nagkamit ng maraming boto ang nagwagi. Dalawang taon ang termino nito.

Parang piyesta ang eleksiyon sa Bataan (at buong Filipinas). May pakain. May protesta. May kampanya. At ---may karahasan din.

Sineryoso ng mga taga Bataan ang eleksiyon.

Hindi man demokratiko, ang eleksiyon ang isa sa mahalagang pamana ng mga Kastila sa mga Filipino.

"DEATH MARCH OF THE DOMINICANS"Pinahuli ni Pres. Aguinaldo lahat ng mga Dominicans (pati Recollects, Franciscans at Augu...
08/01/2024

"DEATH MARCH OF THE DOMINICANS"
Pinahuli ni Pres. Aguinaldo lahat ng mga Dominicans (pati Recollects, Franciscans at Augustinians) sa buong Central Luzon.
Iniutos ni Aguinaldo na respetohin ang mga fraile. Pero, pinaglakad ng mga rebolusyonaryo ng 18 buwan ang mga 116 na fraile* ng milya milya (tingnan ang mapa)* mula Bataan hanggang Ilocos Sur. Ibinilanggo ang mga fraile, pinahiga sa simento, ginutom, pinalinis ng mga kubeta, plaza, kalye; ipinarada sa mga kalye, ininsulto, at pinagbantaan, Tiniis ng mga pari ang hirap. Ilan ay namatay: sa katandaan, karamdaman at pagod.
Dumaloy ang awa ng taumbayan; ang ilan ay tumulong, ang iba – nag-usyoso.
Hostage ng Revolutionary Government ang mga pari. Ilan sa kundisyon ng una ay ang pagkilala ng España sa kasarinlan ng Filipinas; at ransom money at armas.
May mga negotiations. Pero umigting na ang giyerang Pilipino-Amerikano.
Lumaya ang mga pari sa Cervantes.
__________
*Ang mga Dominicans sa Bataan ay sina: Frs. Miguel Portell (Samal), Fermin San Julian (Orani), Toribio Ardanza (Hermosa), Vicente Fernandez at Gerardo Ramiro (Balanga), Ulpiano Herrero at Julian Misol (Orion) at Francisco Garcia (Pilar) at Alejandro Echazarra (Recoleto, Mariveles).

Text: Cornelio R. Bascara
Sources: Fr. Ulpiano Herrero, “Nuestra Prision”. Manila: Colegio de Sto. Tomas, 1900.
Image credit: “David Rumsey Map Collection”, David Rumsey Map Center, Stanford Libraries.

BISHOP DOMINGO DE SALAZAR (1512- 1594) – DOMINICAN DEFENDER OF FILIPINO NATIVES Kinondena ni Salazar ang pang-aalipin ng...
11/12/2023

BISHOP DOMINGO DE SALAZAR (1512- 1594) – DOMINICAN DEFENDER OF FILIPINO NATIVES
Kinondena ni Salazar ang pang-aalipin ng mga encomenderong Kastila at Pilipinong datu sa mga katutubo. Pati labis na tributo at buwis.
Aniya pa, huwag ipilit ang kristiyanismo sa mga katutubo. Bagkus, hikayatin sila kay Kristo ng mahinahon. Bawal pumasok ang mga sundalo sa mga pamayanan para maiwasan ang karahasan.
At ang mabigat, kinuwestyon ni Salazar ang moralidad ng pananakop ng mga Kastila.
Nagbalik si Salazar sa España (1590) upang idulog sa hari ang pang aabuso ng mga Kastila sa Filipinas.
Hindi na nakabalik ang pari. Iginupo ito ng katandaan (82), pagod, at karamdaman. Yumao ito noong 1594.
Dahil sa kaniyang pagmamalasakit, nakaligtas ang Bataan sa anumang pagmamalabis o karahasan.

Text: Cornelio R. Bascara
Source: Lucio Gutierrez, O.P. “Domingo de Salazar, O.P.” Manila: University of Sto. Tomas, 2001.
Photo credit: Bishop Domingo de Salazar, O.P., UST Museum of Arts and Sciences.
Los trece de la Isla de Gallo by Juan Lepiani. In public domain.

THE DOMINICANS – THE FOUNDING FATHERS OF BATAANFray Juán de Ormaza. Alonzo Jiménez. Pedro de Bolaños. Domingo de Nieva. ...
04/12/2023

THE DOMINICANS – THE FOUNDING FATHERS OF BATAAN
Fray Juán de Ormaza. Alonzo Jiménez. Pedro de Bolaños. Domingo de Nieva. Ilan lamang sila sa mga paring Dominiko na dumating sa Bataan simula 1587. Ilan sa kanila ay mga bata pa. Ang iba, nasa dapit-hapon na.
Hindi alintana ang distansiya, bundok, ilog, karagatan, baha, at bagyo, inihatid ng mga Dominiko sa mga katutubo ang “Mabuting Balita” ni Kristo. Tinuruan din nila ito ng wastong kabuhayan; at mamuhay bilang Kristiyano sa mga itinatag na pamayanan.
Noong 1690, ganap na Kristiyano ang Bataan. Nang walang naganap na pananakit, pagpaslang, pilitan, o takutan.
At tulad ng mabuting binhi na tinukoy sa Lukas 8:8, tumubo ang ipinunla ng mga Dominiko --- at “namunga ng napakarami.”.

Texto: Cornelio R. Bascara
A History of Bataan 1587-1900. Manila: UST Publishing House, 2010.

Address

University Of Sto. Tomas Graduate School
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when History of Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to History of Bataan:

Share