City Architect's Office

City Architect's Office Architectural Design, Drafting and Implementation of Infrastructure Project.

11/05/2026

๐–๐„๐‹๐‚๐Ž๐Œ๐„ ๐“๐Ž ๐Œ๐”๐๐“๐ˆ๐๐‹๐”๐๐€ ๐‚๐ˆ๐“๐˜, ๐๐‚๐Ž๐‹ ๐Ž๐‹๐ˆ๐•๐ˆ๐€ ๐€๐๐‚๐‡๐„๐“๐€! ๐Ÿ‘ฎโ€โ™€๏ธ๐Ÿ’™

Pormal na ipinakilala ni Mayor Ruffy Biazon ang bagong talaga at kauna-unahang babaeng Acting Chief of Police ng Muntinlupa City Police Station na si PCol. Olivia Cayuhan Ancheta.

Bago maitalaga sa Muntinlupa, nagsilbi si PCol. Ancheta bilang Station Commander sa Maynila at naging hepe rin ng Manila Traffic Enforcement Unit. Naging Provincial Chief din siya ng CIDG sa Nueva Ecija at Tarlac, at humawak bilang Regional Chief ng CIDG sa Region 1, Region 4B, at Region 13.

โ€œWith your support, magiging katuwang nyo po kami, ang inyong kapulisan, sa pagpapaunlad ng Muntinlupa City,โ€ pahayag ni PCol. Ancheta.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Biazon, patuloy ang pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at kapulisan para sa mas ligtas, maayos, at maunlad na Muntinlupa.

06/05/2026
05/05/2026

๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐š ๐’๐ญ๐ซ๐ž๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ž๐ง๐ฌ ๐‹๐ข๐ญ๐ž๐ซ๐š๐œ๐ฒ ๐’๐จ๐ฅ๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐“๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐“๐š๐ซ๐š, ๐๐š๐ฌ๐š!

Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ang mga solusyon para sa mga batang nahihirapan sa pagbasa sa pamamagitan ng โ€œTara, Basa! Tutoring Program.โ€ Katuwang ang Department of Social Welfare and Development - DSWD, layunin ng programa na matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng mas matibay na pundasyon sa pagbasa at pag-aaral.

Magsisilbing tutors ang mga estudyante mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun), partikular ang Bachelor of Secondary Education (BSEd). Kasabay nito, may mga sesyon din para sa mga magulang upang palakasin ang kanilang papel bilang โ€œunang g**o sa tahanan.โ€

Malaki ang pagpapahalaga ni Mayor Ruffy Biazon sa literacy bilang pundasyon ng mas maliwanag na kinabukasan, kasabay ng pagtitiyak na walang batang Muntinlupeรฑo ang maiiwan.

02/05/2026

Ongoing ang construction ng ating Mental Health & Palliative Care Center sa Alabang para sa mga kababayan nating nangangailangan ng suporta pagdating sa mental health, o kung may iniindang sakit na kailangan ng mas maingat at tuloy-tuloy na pag-aalaga.

May mga consultation at counselling rooms para sa mental health, at may spaces din para sa palliative careโ€”yung focus ay comfort, pain management, at suporta hindi lang sa pasyente kundi pati sa pamilya.






30/04/2026
30/04/2026

๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐š ๐‹๐†๐”, ๐๐š๐ -๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฐ ๐ง๐  ๐Œ๐Ž๐€ ๐ฌ๐š ๐“๐ก๐ž ๐๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฏ๐ฎ๐ž ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‘๐จ๐จ๐Ÿ๐ญ๐จ๐ฉ ๐†๐š๐ซ๐๐ž๐ง ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ

Muling pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang partnership sa The Bellevue Manila sa pamamagitan ng pag-renew ng memorandum of agreement para sa kanilang Rooftop Garden Sustainability Projectโ€”na bahagi ng HABI (Harmonizing Bellevueโ€™s Actions for a Better Impact)โ€”ikatlong sunod na taon ng kanilang partnership.

Sa pangunguna ng Department of Agricultureโ€“Extension Services Office (DA-ESO), layunin ng inisyatibong ito na isulong ang urban gardening at iba pang environment-friendly practices tulad ng pagbabawas ng paggamit ng papel, pagtitipid ng enerhiya, at pagbawas ng paggamit ng plastik.

Bahagi ito ng patuloy na pagpapatupad ng 7K Agenda ni Mayor Ruffy Biazon, partikular sa aspeto ng kalikasan.


28/04/2026
27/04/2026

Malapit na malapit na! Nagbabalik ang libreng sine para sa senior citizens!

Naaprubahan na sa Sangguniang Panlungsod ang inendorso nating panukala para sa libreng sine ng ating mga lolo't lola.

Maraming salamat sa Committee Chairperson on Veterans, Retirees, and Elderly Coun. Atty. Rachel Arciaga at sa buong City Council sa suporta para maisulong ito.

Abangan po ang announcement sa pagisismula at ibang mechanics.






25/04/2026

Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon personally delivered the medicines of RIDEMed beneficiaries today.

21/04/2026

๐….๐‘.๐„.๐„. ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐š ๐’๐ฆ๐ข๐ฅ๐ž ๐ข๐ฌ ๐๐จ๐ง-๐๐ž๐ ๐จ๐ญ๐ข๐š๐›๐ฅ๐ž

Muling binigyang-diin ni Mayor Ruffy Biazon ang mandato ng Pamahalaang Lungsod: F.R.E.E. (Fast, Responsive, Effective, and Efficient) Service with a Smile.

Hindi katanggap-tanggap na may ilang kawani pa rin sa City Hall ang patuloy na nairereklamo dahil hindi magalang o masungit habang naglilingkod ayon sa Punong-Lungsod.

โ€œWalang lugar sa public service ang mga taong walang ganang ngumiti. If you cannot do your job courteously, take yourself somewhere else,โ€ mariing pahayag ni Mayor Biazon.

Ang F.R.E.E. Service with a Smile ay hindi simpleng slogan kundi isang direktiba mula sa Local Chief Executive na dapat sundin nang buong puso at seryosong pagtupad.

โ€œThis is an order. Take it seriously. Wala na sana akong marinig na may nasungitan na naman sa City Hall,โ€ dagdag pa ni Mayor Biazon.

Sakaling may ma-encounter na masungit na empleyado, maaaring mag-message sa Muntinlupa Helpdesk FB page. Ilakip ang pangalan ng empleyado, tanggapan, pati araw at oras ng insidente para sa mas mabilis na aksyon.

Address

National Road Putatan
Muntinlupa City

Telephone

8622525

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Architect's Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share