23/01/2025
Mga ka-Nerd alam nyo ba?
Ang nasa larawan ay ang Plaza Cuartel noong nabawi ito ng mga Allied Forces taong 1945.
Saksi ang lugar na ito sa malagim na sinapit ng nasa 139 amerikanong bihag pandigma na walang awang minassacre ng mga Japanese Emperial Army noong Ikalawang digmaan pandaigdig. Ito ay naganap noong December 14,1944.
11 sa mga bihag ang nakatakas at lumangoy hanggang iwahig.
Ngayon ay isa na ito sa isa sa mga sikat na pasyalan ngayon sa Puerto Princesa City,Palawan.