09/05/2026
๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด!
Bawat pook ay may sariling kuwentoโmga bakas ng nakaraan na humubog sa ating pagkakakilanlan.
Bago natin tuluyang buksan ang panibagong yugto sa Pambansang Museo ng Pilipinas โ Baler, balikan muna natin ang mga kuwentong bumuo sa ating kasaysayanโmga alaala, pamana, at kulturang patuloy na nagbibigay-buhay sa ating pagkatao. Handa ka na ba?
๐๐๐ฟ๐ผ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฏ๐ฎโ๐ ๐๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฌ๐๐ด๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Sa silangang baybayin ng Luzon, sa pagitan ng matatayog na kabundukan ng Sierra Madre at ng malawak na Karagatang Pasipiko, matatagpuan ang lalawigan ng Aurora. Ito ay tahanan ng mayaman na kasaysayan, makulay na kultura, at likas na kagandahang hinubog ng panahon at ng mga mamamayan nito. Sa bawat bayan at baybayin ng Aurora ay matatagpuan ang mga kwentong sumasalamin sa mahalagang papel nito sa kasaysayan ng bansa.
Ang pinakamaagang yugto ng kasaysayan ng Aurora ay maiuugnay sa pagdating ng mga Kastilang manlalakbay at misyonero noong panahon ng pananakop ng Espanya. Noong 1572, pinangunahan ni Juan de Salcedo ang eksplorasyon sa hilagang-silangang bahagi ng Luzon. Sa paglalakbay na ito, narating niya ang baybayin ng Pasipiko, kabilang dito ang mga lugar na kalauna ay magiging bahagi ng Aurora, tulad ng Baler at Casiguran.
Ipinagkatiwala sa mga Paring Pransiskano ang rehiyon upang palaganapin ang Kristiyanismo sa lugar. Noong Hulyo 1609, pinangunahan ni Fray Blas Palomino ang pagtawid sa kabundukan ng Sierra Madre upang marating ang isang pamayanan sa baybayin ng Pasipiko na kalaunaโy kikilalaning Baler. Kasunod nito, naitatag ang isang pamahalaang barangay sa pamumuno ni Fray Valeriano, dahilan upang maituring ang Baler bilang isa sa mga unang opisyal na poblacion sa baybaying bahagi ng rehiyon.
Pagsapit ng 1611, itinayo ng mga Pransiskano sa pangunguna ni Fray Francisco de San Antonio ang unang simbahan sa Baler na yari sa nipa at kahoy. Itinayo ito sa ibang lokasyon mula sa kasalukuyang San Luis Obispo de Tolosa Parish at nagsilbing sentro ng pananampalataya at pamayanang Kristiyano noong panahong iyon.
Sa paglipas ng panahon, ang Baler, na kalaunaโy naging kabisera ng Aurora, ay dumanas ng matitinding sakuna at tunggaliang humubog sa kasaysayan nito. Noong 1735, isang mapaminsalang tromba marina o tsunami ang halos tuluyang nagbura sa unang poblacion ng Baler na noon ay kilala bilang Kinagunasan. Ayon sa mga salaysay, pitong pamilya lamang ang nakaligtasโang mga Angara, Bihasa, Bitong, Lumasac, Carrasco, Ferreras, at Poblete. Bunga ng trahedyang ito, muling itinayo ng mga nakaligtas ang kanilang pamayanan sa lugar na kalaunaโy naging kasalukuyang poblacion ng Baler.
Dahil sa lokasyon nito malapit sa karagatan, naging madalas ang pag-atake ng mga pirata sa mga baybayin ng Aurora. Noong 1798, sinalakay ang Baler at iba pang karatig na baybaying pamayanan ng mga piratang Balangingi mula sa mga isla ng Ticao at Burias sa Katimugang Luzon. Sa naturang paglusob, nasawi ang tatlong paring Pransiskano at humigit-kumulang 450 residente ng Baler.
Sa panahon ng Digmaang Espanyol-Americano, nagsilbing tagpuan ang Aurora ng makasaysayang Siege of Baler. Noong ika-27 ng Hunyo 1898, nagkubli at nagbarikada sa loob ng simbahan ng Baler ang limampuโt apat na kasapi ng garison ng Espanyaโbinubuo ng apatnapuโt siyam na sundalo, tatlong opisyal na sina Enrique de las Morenas, Juan Alonso Zayas, at Saturnino Martรญn Cerezo, isang medical officer na si Rogelio Vigil de Quiรฑones, at paring si Cรกndido Gรณmez Carreรฑo. Ito ay dahil sa paniniwalang nagpapatuloy pa rin ang digmaan kahit labinlimang araw na ang nakalipas mula nang ideklara ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898.
Ang kanilang pagbarikada ay bunsod ng sunod-sunod na banta at pag-atake ng mga Katipunero sa Baler na pinamunuan ni Teodorico Luna y Novicio. Sa gitna ng lumalawak na kilusan ng himagsikan sa bansa, itinalaga ni Emilio Aguinaldo si Novicio noon upang pamunuan ang pag-oorganisa ng mga Katipunero sa Baler at palakasin ang rebolusyong kilusan sa silangang bahagi ng Luzon. Pinangunahan ni Novicio ang pagmomobilisa ng mga mandirigmang lokal at ang pagsasagawa ng mga opensiba laban sa mga sundalong nagbarikada sa simbahan ng Baler. Ang kanyang katapangan at pamumuno ay sumasailalim sa matinding hangarin ng mga mamamayan ng Aurora para sa kalayaan at sariling pagpapasya.
Tumagal nang humigit-kumulang isang taon ang Siege of Baler at nagwakas lamang noong ika-2 ng Hunyo 1899 nang iwinagayway ni Lieutenant Martรญn Cerezo ang puting watawat bilang hudyat ng pagsuko. Sa panahong iyon, naipasa na ng Espanya ang kapangyarihan sa Pilipinas sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris (Treaty of Paris). Mula sa makasaysayang pagtatapos ng labanang ito ay isinilang ang isang natatanging pagkakaibigan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol, na hanggang ngayon ay ginugunita sa pamamagitan ng taunang Philippine-Spanish Friendship Day sa Baler tuwing Hunyo.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang hilagang bahagi ng Tayabasโna kalaunaโy naging Quezon Provinceโay ginawang sub-province ng Aurora dahil sa layo at limitadong ugnayan nito sa kabisera sa Lucena. Sa bisa ng Republic Act No. 646, opisyal na itinatag ang sub-province of Aurora noong 1951, na binubuo ng mga bayang Baler, Casiguran, at Dingalan. Itinalaga ang Baler bilang kabisera nito, at si Juan C. Angara ang naging kauna-unahang halal na gobernador ng distrito.
Sa loob ng maraming dekada, masikhay na isinulong ng mga lokal na pinuno at mamamayan ang hangaring maging ganap na lalawigan ang Aurora. Nagkaroon ito ng katuparan noong Agosto 1979 sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 7 na nilagdaan ni Ferdinand E. Marcos, na nagtatag sa Aurora bilang isang regular na lalawigan at nagtalaga sa Baler bilang kabisera nito. Sa pagkakatatag ng Aurora bilang ika-73 lalawigan ng Pilipinas, itinalaga si Luis S. Etcubaรฑez bilang kauna-unahang gobernador nito.
Sa kasalukuyan, ang Aurora ay binubuo ng walong bayanโBaler, Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dingalan, Dipaculao, Maria Aurora, at San Luis. Bagaman may pagkakaiba sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan, pinag-uugnay ang mga bayang ito ng iisang kasaysayan na patuloy na humuhubog sa kanilang pagkatao at pagkakakilanlan bilang mga mamamayan ng Aurora.
Sa nalalapit na pagbubukas ng National Museum of the Philippines-Baler, Aurora, muling mabibigyang-buhay ang mga kwentong ito. Ang museo ay magsisilbing tahanan ng kasaysayan, kultura, at kolektibong alaala hindi lamang ng lalawigan ng Aurora, kundi maging ng mas malawak na komunidad na nakapaligid dito. Bitbit ng NMP-Baler ang layuning ilapit ang kasaysayan sa lokal na komunidad at lumikha ng isang makabuluhang espasyo ng pagkatuto at pagninilay, upang higit nating maunawaan kung saan tayo nagmula at kung paano nito huhubugin ang ating kolektibong kinabukasan.
๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ๐
[1] Angara, Edgardo. Baler, Aurora. Quezon City: Rural Empowerment Assistance and Development
(READ) Foundation, Inc., 2007.
[2] Westfall, Matthew. The Devilโs Causeway: The True Story of Americaโs First Prisoners of War in the Philippines, and the Heroic Expedition Sent to Their Rescue. Guilford, Connecticut: Lyons Press, 2012.