01/05/2026
MV Gallego Foundation Colleges, Namayagpag sa Pamana ng Pluma Literary Awards 2026
Baguio City โ Buong karangalang inanunsyo ng Kapisanan ng mga Filipinong Awtor at Manunulat sa Pilipinas Inc. (KAFAMPI), katuwang ang M. E. Publications at ASSETT of the Philippines Inc., ang mga nagwagi sa kauna-unahang Pamana ng Pluma Literary Awards 2026 sa kategoryang Filipino.
Namukod-tangi sa hanay ng mga lahok ang mga akdang nagpakita ng lalim ng pagninilay, kahusayan sa paggamit ng wika, at malikhaing pagbuo ng talinghaga sa larangan ng panulaan.
Sa kategoryang pagtula, itinanghal na Unang Gantimpala ang obrang โMarkaโ ni Princess S. Calacala, habang Ikalawang Gantimpala naman ang โAgunyas ng Amagโ ni Eugene Geibrielle A. Nacino. Walang itinanghal na Ikatlong Gantimpala.
Nagkamit naman ng mga Karangalang Banggit sina Jermaine Erin L. Unas para sa โSalimuot sa Tasa ng Kape,โ Jude Alexander M. Punzalan para sa โPagitan ng mga Tinig,โ at Romeo G. Balonzo Jr. para sa โMga Panaghoy ni Dumagat Remontado.โ
Ayon sa mga tagapag-organisa, inaasahang magsisilbing tanglaw ang patimpalak sa patuloy na pagkilala at pagpapalakas sa panitikang Pilipino at itatatag bilang taunang pagdiriwang ng mga bagong tinig sa panulaan. Gaganapin ang seremonya ng parangal sa 456 Hotel La Grande sa Mayo 31, 2026.
Samantala, bilang bahagi ng pagkilala sa kahusayan sa edukasyon, iginawad din ang Award for Excellence in Educational Leadership and Supervision (Gawad Sulo ng Pamumuno) kay Prop. Rene Boy E. Abiva, direktor ng Manuel V. Gallego Center for Heritage Studies ng Manuel V. Gallego Foundation Colleges, Inc..
Kinilala si Abiva sa kanyang natatanging ambag bilang edukador, manunulat, at lider sa larangan ng panitikan at pananaliksik. Siya ay may-akda ng 23 aklat at nailathala sa ibaโt ibang prestihiyosong institusyon gaya ng University of the Philippines Press, National Commission for Culture and the Arts, at Cultural Center of the Philippines.
Ang Pamana ng Pluma Literary Awards ay patunay sa patuloy na sigla ng panitikang Pilipinoโisang pagpupugay sa mga bagong tinig at sa mga lider na nagsusulong ng kaalaman, kultura, at sining sa bansa.