24/04/2026
Sa wakas, isang proof na si Felipe M. Mendoza ang arkitekto ng malaking simbahan ng Diocesan Shrine of St. Therese of the Child Jesus UPLB. Ang larawan ng architectural perspective na ito ay mula sa isang advertisement para sa UPCA College Newsletter na humihingi ng donasyon para maipatayo ito. Ang pahina na ito ay makikita sa Dean Leopoldo B. Uichanco Papers na nasa UPLB Archives and Special Collections Section ng UPLB University Library. Nagtataka ako bakit ginamit itong pambalot lang sa bulto ng sympathy cards na natanggap ng Uichanco Family matapos pumanaw ni Dean Leopoldo Uichanco noong 1972, kasama na rin ang ilang kopya ng solicitation letters para sa fundraising project. Napagtanto ko na ang papers ay maaring nasa possession ng anak niya na si Dr. Luz Uichanco-Oñate at asawa niya na si Dr. Burton T. Oñate bago ito naibigay sa UPLB Library. Si Burton T. Oñate ang naging finance committee chairman ng St. Therese Community Action Group na kumalap ng pondo para sa pagpapatayo ng simbahan. Si Dean Uichanco at ang kanyang asawa, pati ang mag-asawang Oñate ay nakalibing ngayon sa ossuary ng simbahan.
Ang disenyo ng simbahan ay maiiu-ugnay sa dalawang school chapels na dinesenyo ni Mendoza. Ang ilang design elements nito ay makikita rin sa dating maliit kapilya ng Assumpta Technical High School sa San Simon, Pampanga (na unang naitayo noong 1969 at giniba noong 2017) at sa Assumption College Chapel sa Antipolo, Rizal.
Ang bagong St. Therese Chapel ay kabilang sa mga gusali na dinesenyo ni Mendoza para sa komunidad ng UPLB. Kabilang dito ang Bienvenido Gonzalez Hall (UPLB University Library), Dante B. de Padua Hall (Electrical Engineering Building), Fernando F. Sanchez, Sr. Hall (National Crop Protection Center Main Building), Nemesio B. Mendiola Hall (Agronomy-Soils Building), U.P. Los Baños Center for Technology Transfer and Entrepreneurship (UPLB-CTTE) Building, at plano para sa UPLB Science Park. Kasama na rito ang SEARCA Headquarters at ang International Rice Research Institute Building.
Kilala si Mendoza dahil sa kanyang disenyo para sa Batasang Pambansa Complex, Ministry of Education and Culture Building, Ministry of Foreign Affairs Building, at Development Academy of the Philippines.
(C) Mark Magtibay