Malabon Heritage Library Museum

Malabon Heritage Library Museum Malabon Heritage Library Museum Official page

18/04/2026

Mas Pinalaking Oportunidad para sa Malabueño: Mega Job Fair 2026

Sa pagdiriwang ng ika-25 Anibersaryo ng Lungsod ng Malabon, mas pinalaki pa ang oportunidad para sa bawat Malabueño!

Ngayong Abril 21 (Martes), mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM, dumiretso na sa Malabon National High School Auditorium, Brgy. Hulong Duhat para sa Mega Job Fair 2026 isang hakbang para makahanap ng trabaho, makipag-ugnayan sa mga employer, at posibleng ma-hire on the spot sa loob lamang ng isang araw.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng selebrasyon ng lungsod at pinangungunahan ng Public Employment Service Office (PESO–Malabon), katuwang ang Department of Labor and Employment – CAMANAVA Field Office (DOLE-CFO) at Department of Migrant Workers (DMW), na layong mailapit ang iba’t ibang oportunidad sa trabaho sa bawat Malabueño.

Ano ang naghihintay para sa iyo?

✅ Mga oportunidad sa LOCAL at OVERSEAS employment
✅ ONE-STOP-SHOP ng mga ahensya tulad ng Pag-IBIG, PhilHealth, PSA, PNP, at SSS
✅ Direktang pakikipag-ugnayan sa mga employer—isang hakbang na lang, trabaho mo na!

Kaya ihanda na ang iyong updated resume o curriculum vitae, magdala ng maraming kopya, at magsuot ng maayos na kasuotan (smart casual) dahil ang trabahong para sa’yo ay maaaring matagpuan dito.

Mag-register sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code o pag-click sa link:
👉 https://tinyurl.com/mjf26

Pumunta. Mag-apply. At baka ikaw na ang susunod na ma-hire on the spot.



18/04/2026
18/04/2026

Hindi lang ito lungsod. Ito ay bahagi ng ating pagkatao.

Sa bawat kalsada, tahanan, at alaala, naroon ang Malabon.

Dito tayo natutong mangarap, magsumikap, at magmahal.

Sa pagdiriwang ng ika-25 Cityhood Anniversary, nais naming marinig ang inyong kwento.

💭 Ano ang Malabon para sa’yo?

Ibahagi sa comments at maging bahagi ng kwento ng ating lungsod. 💙

16/04/2026
16/04/2026

🎨 Kulay ng Malikhaing Malabon: Ipagdiwang ang World Art Day!

Ngayong Abril 15, ipinagdiriwang natin ang World Art Day, isang makulay na selebrasyon ng talento at pagkamalikhain ng bawat isa.

Sa bawat guhit, pinta, awit, sayaw, at likhang-kamay, naipapahayag natin ang ating kwento, damdamin, at pagkakakilanlan bilang mga Malabueño. Ang sining ay nagbubuklod, nagbibigay inspirasyon, at nagpapalakas ng ating komunidad.

Dito sa ating lungsod, patuloy nating sinusuportahan ang mga lokal na artista at hinihikayat ang bawat mamamayan, bata man o matanda na tuklasin at ipakita ang kanilang talento.

✨ Ikaw, paano mo ipinapakita ang iyong pagiging malikhain?

Ibahagi ang iyong artwork, likha, o talento sa comments o i-post ito gamit ang hashtag na !

Ipagdiwang natin ang sining para sa sarili, para sa kapwa, at para sa ating lungsod. 💙

16/04/2026
14/04/2026

📣 ANUNSYO | LIBRENG SAKAY SA GITNA NG TRANSPORT STRIKE

Bilang tugon sa nakaambang transport strike ng grupong Maniebela simula bukas, Abril 15 (Miyerkules) hanggang Abril 17 (Biyernes), nakahanda ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon na magbigay ng LIBRENG SAKAY para sa ating mga commuters na maaapektuhan ng tigil-pasada.

📌 PAALALA: Ang mga sasakyan ay idedeploy lamang sa mga lugar na pinaka-apektado upang agarang matulungan ang mga stranded na pasahero at matiyak na hindi rin maaantala ang pagpasada ng mga transport group na hindi lalahok sa strike.

Para sa mga mai-stranded o walang masakyan, maaari kayong tumawag sa mga sumusunod na numero:

📞 Central Command and Communications Center
0942-372-9891 / 0919-062-5588 / 8921-6009 / 8921-6029

📞 TXT MJS
0917-689-8657

📞 PSTMO
(+632) 8826-8269 / 09218653860

Manatiling nakatutok sa aming mga susunod na anunsyo at updates.



13/04/2026
13/04/2026

Isang Dakilang Anak ng Malabon: Paggunita kay Epifanio de los Santos

Sa araw na ito, ginugunita natin ang ika-155 anibersaryo ng kapanganakan ni Epifanio de los Santos, isang ipinagmamalaking anak ng Malabon na isinilang sa Brgy. Potrero noong Abril 7, 1871.

Bilang isang Malabueño, dala niya ang husay at talinong nag-ugat sa kanyang pinagmulan. Siya ay naging isang pambihirang iskolar, historyador, manunulat, abogado, lingguwista, at alagad ng sining na nagbigay ng mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng kaalaman, kasaysayan, at kulturang Pilipino.

Kabilang sa kanyang mga tagumpay ang pagiging kauna-unahang Pilipinong miyembro ng Real Academia Española at editor ng La Independencia, kung saan itinaguyod niya ang nasyonalismo. Naging direktor din siya ng National Library of the Philippines

Itinuturing siyang lokal na bayani ng Malabon dahil sa kanyang natatanging ambag sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino, pagsusulong ng nasyonalismo, at paggamit ng kanyang talino upang hubugin ang kamalayang pambansa. Ang kanyang buhay at mga akda ay patunay ng malasakit sa bayan at dedikasyon sa edukasyon.

Bilang pagkilala, ipinangalan sa kanya ang Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), pati na rin ang iba’t ibang paaralan, institusyon, at parangal kabilang ang “Natatanging Epifanio de los Santos Gawad Parangal” ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon.

Ngayong araw, nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa bawat Malabueño, lalo na sa kabataan, na pahalagahan ang edukasyon, kasaysayan, at ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.

Makibahagi sa paggunita, ibahagi ang kanyang kwento at ipasa ang kanyang pamana sa susunod na henerasyon.

13/04/2026
12/04/2026

PAALALA SA PUBLIKO | USOK NA NAKIKITA SA DAMPALIT

Pinababatid sa lahat na ang usok na nakikita mula sa Megadike sa Barangay Dampalit ay nagmumula sa nasusunog na Navotas Sanitary Landfill na nagsimula kagabi.

Bagama’t tanaw ito mula sa Malabon City, ang insidente ay hindi sakop ng hurisdiksyon ng Bureau of Fire Protection - Malabon.

Kaugnay nito, mariing pinapayuhan ang mga residente na maaaring makalanghap ng usok na magsuot ng face mask at manatili muna sa loob ng tahanan hangga’t maaari upang maiwasan ang masamang epekto nito sa kalusugan.

Pinapayuhan din ang lahat na manatiling alerto at sumunod sa mga susunod na anunsyo ng pamahalaang lungsod para sa inyong kaligtasan.

Address

Hulong Duhat
Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malabon Heritage Library Museum posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category