Museo Santatlo

Museo Santatlo Museo Santatlo is the official page of Museo Santatlo, the parish museum of the Most Holy T Ramon Caviedas o.f.m. Esquela.

Museo Santatlo is the official page of Museo Santatlo, the parish museum of the Most Holy Trinity Parish, Balic-Balic, Sampaloc, Manila. collection focused on the following themes:

Cementerio (Spanish Colonial Manila Cemeteries) – the Most Holy Trinity Church stands on the sacred ground of a 19th century Spanish colonial cemetery built by Fr. (funerary chapel completed in 1891, closed ar

ound 1918). The museum aims to collect archival and photographic materials related to the history of Manila’s cemeteries and Sampaloc cemetery in particular. Parroquia – the former funerary chapel was re-opened in 1925 and subsequently expanded to accommodate the ever growing number of mass goers. Currently, the parish celebrates the founding anniversary as 1932. However, research indicates that the church became a parish church much earlier – possibly as early as 1926. The museum aims to collect materials related to the parish history including parish priests, parish organizations, parish souvenir programs. More importantly, the museum aims to collect materials related to Trinitarian devotion (books, prayers, music, art, poetry) particularly, though not exclusively, from the Philippines. The Most Holy Trinity Academy started in 1946 with the opening of the first kindergarten classes and legally registered in 1947. The collection will focus on various photographs and archival materials related to the school’s early history.

20/10/2025

I got over 50 reactions on my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉 to Museo Santatlo

17/10/2025

Welcome to the official page of Museo Santatlo.

03/09/2025

Plotting History: Kasaysayan, Kalinangan, Kolonyal
"Mapping the Heritage Cemeteries of the City of Manila"
Ika-2 ng hapon
28 Agosto 2025 sa FB Live

Malugod na inihahandog ng National Historical Commission of the Philippines sa pamamagitan ng NHCP Museo ng Libingan sa Ilalim ng Lupa ng Nagcarlan ang online lecture na magbibigay halaga sa pamanang sementeryo ng ating bansa. Tatalakayin dito ang arkitektural, kultural, historikal, at panlipunang halaga ng mga piling sementeryo sa Pilipinas lalong higit sa Maynila na inidokumento sa pamamagitan ng isinagawang pagmamapa.

Tagapagsalita:
G. STEPHEN JOHN A. PAMORADA
Co-Founder and Heritage Consultant
The Heritage Collective

Ang lektura ay libre para sa lahat at matutunghayan sa pamamagitan ng Facebook Live. May e-sertipikong matatanggap ang mga manonood sa nasabing lektura.






"ANG PAGBABALIK NG BALIC-BALIC SA BALIC-BALIC"Isa sa mga pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan ng Calle Balic-Balic ay ...
20/08/2025

"ANG PAGBABALIK NG BALIC-BALIC SA BALIC-BALIC"

Isa sa mga pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan ng Calle Balic-Balic ay ang isang uri na halaman o puno na makikita sa lugar na ito, at ito na nga ang Balic-Balic tree, na may scientific name na "Pongamia Pinnata".

Pero madalas na tanong ng iba, mayroon pa bang Balic-Balic tree na makikita sa lugar ng Balic-Balic?

Ang sagot ay: Oo.

Noong 1998, masikap na naghanap at nagsaliksik ang yumao nating kapatid na si Brother Martin Gaerlan, upang makakita ng Balic-Balic tree. Dalawang beses silang dumalaw sa UP Los Baños, at sa ikawalang pagdalaw nila, sa pangunguna ni Mr. Jaime Fajardo ay natagpuan nila ang mga seedlings nito at kalaunan ay itinanim sa loob ng bakod o plaza ng Most Holy Trinity Parish. Hanggang ngayon ay makikita pa rin ang dalawa sa mga ito na full-grown na.

Pero iilan lang ba ang nakakaalam na mayroon tayo nito sa loob ng bakod ng ating Parokya? O iilan lang ba ang nakakaalam na mayroon pa ring natitirang mga Balic-Balic tree?

Kaya naisip namin, paano kaya kung sa bawat barangay na sakop ng area ng Balic-Balic ay magkaroon ng maski isa man lang na Balic-Balic tree?

Nitong nakaraang araw, August 18 ay muli tayong nakakuha ng mga Balic-Balic tree. Mula sa Dolores, Quezon ay idineliver ang 25 na 1-year old Balic-Balic trees sa Quezon Memorial Circle at pinick-up naman ito ng Curator ng ating Museo na si Brother Benjie Sansano kasama si Fr. Romy De Castro, at dinala ito sa ating Parokya. Ito ang nasa larawan.

Ang proyektong ito, na pinangungunahan ng ating Kura Paroko Fr. Benjie Ledesma, at katuwang ang grupo ng ating grupo Museo Santatlo, ay tatawaging PLANTri (Plant Trinity). Sa ngayon ay sisimulan nang itanim ang iba sa mga ito dito sa loob ng ating Parokya. At sana, kung aaayon sa mga plano, ay maitanim na rin ito sa mga barangay na sakop ng area ng Balic-Balic. At sa susunod, sana ay maitanim na rin ito maging sa iba pang mga lugar. Lalo na doon sa mga lugar na nangangailangang taniman muli ng mga puno at halaman.

Bibihira lang makakita ng Balic-Balic tree maski sa ibang lugar. Pero mapalad tayo na hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga ito at hindi pa naman endangered. Kaya sana sa maliit at simpleng hakbang natin ay huwag nating hayaan na dumating ang panahon kung saan tuluyan nang mawawala ito. At sana hindi lang sa Balic-Balic tree, kundi pati sa lahat ng uri ng puno at halaman, ay magkaroon sana tayo ng pagpapahalaga.

Ang kahabaan ng kalye G. Tuazon ngayon ay ang dating Calle Balic-Balic. Pero lumipas man ang maraming taon, mas kilala pa rin ang ating lugar sa luma nitong pangalan. Kaya sana sa susunod na marinig natin ang pangalan na "Balic-Balic" ay hindi na lang basta lumang pangalan ang maisip natin, sana makita na rin muli ang puno na pinagmulan ng pangalan nitong ating komunidad sa bawat kanto at paligid nito.

Masarap malaman kung saan ba nagmula ang pangalan ng isang lugar o bagay. At mahalaga din malaman ang kasaysayan ng mga ito, nang sa ganoon ay mas maunawaan natin ang ating pinagmulan at upang mas lalo natin itong mapahalagahan. At nawa'y gawin natin itong gabay sa kasalukuyan patungo sa ating kinabukasan.

At dahil ngayong Agosto ay History Month, ito ang aming masasabi:

Mahalin natin ang ating kasaysayan. At kasabay nito, mahalin natin ang ating kalikasan.

Address

Most Holy Trinity Parish Calabash Road Balic-balic Sampaloc Manila
Manila
1008

Telephone

+639662174344

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Museo Santatlo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to Museo Santatlo:

Share

Category