19/04/2026
Makabuluhan at makasaysayan ang naging pagtatalaga sa katungkulan sa bagong Board of Trustees ng Southern Luzon Alliance of Museums (SLAM) nitong ika-27 ng Marso, 2026.
Ginawa sa makasysayang Comandancia ng Morong, ito ay pinamunuan ni Municipal Local Government Unit of Morong, Rizal Mayor Sidney B. Soriano.
Ang newly elected Board of Trustees ng SLAM ay pinangungunahan ni Board President Edric C. Calma ng Lipunang Pangkasaysayan ng Morong - Museong Pambayan ng Morong, Vice President Mary Ann Jimenez-Salvador ng Museo de Lasalle sa Dasmariรฑas, Cavite, Secretary Vicky L. Pacris ng Biรฑan City Museum, Treasurer Gendy Doga-Ono Gendy Paredes ng GBR Museum sa Gen. Trias, Cavite, at Trustees na sina Albert Vincent Fontanares Barretto ng Museo sa Libingan sa Ilalim ng Lupa ng Nagcarlan, Jeffrey Yap ng Villa Escudero Museum, at Remy Azul Rhemy R. Blue ng Tanauan City Museum. Kasama sa bagong pamunuan ng SLAM si Past President/Ex-Officio Trustee BJ Borja at Trustee, Amado Ariel ng Lalawigan ng Batangas.
Ang SLAM ay samahan ng mga museong pampublikong itinataguyod ng national agencies at local government units, at mga museong pribado - historical at cultural museums at maging family museums and galleries sa Southern Luzon - CALABARZON, MIMAROPA at maging sa Bicol.
Matapos ang pagtatalaga ay nagkaroon ng General Assembly ang SLAM, pinanumpa ang mga kasapi - institutional at individual ng SLAM, at ang learning session sa museology qt kasaysayan sa pamamagitan ng tagapagsalita na si Jasper Christian Gambito, dating Chair ng History Department at nagtuturo pa rin sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) - Manila.
Ang SLAM Oath-taking at General Assembly ay inihanda at isinakatuparan ng Lipunang Pangkasaysayan ng Morong - Museong Pambayan ng Morong.