Museo ng Muntinlupa

Museo ng Muntinlupa Welcome to the Museo ng Muntinlupa, a premier city museum and heritage center in the Philippines.
(1)

"Isa sa mga libangan ng mga kabataan ng Alabang ay ang pagdaraos ng sayawan sa liwasang baryo. Kuha ang larawan na ito n...
18/05/2026

"Isa sa mga libangan ng mga kabataan ng Alabang ay ang pagdaraos ng sayawan sa liwasang baryo. Kuha ang larawan na ito noong Hunyo 4, 1955 sa pagtatanghal ng "Rigodon de Honor" na unang anibersaryo ng Popular Club ng Alabang. Kuha sa harap ng lumang simbahang San Roque ng Alabang, at sa ilalim ng mahigit isang siglo na puno ng Acacia na nagsilbing saksi sa maraming masasaya at malulungkot na kasaysayan ng Barrio Alabang."

Magkaroon ng tsansang mai-feature sa aming social media accounts sa pamamagitan nang pagpapadala ng inyong lumang larawan tampok ang Muntinlupa sa aming email: [email protected] o [email protected].

โ€”

#๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜›๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฉ๐˜›๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ.

Courtesy of Muntinlupa Public Information Office




Happy International Museum Day! ๐Ÿ›๏ธThis yearโ€™s theme, โ€œMuseums Uniting a Divided World,โ€ reminds us that museums connect ...
18/05/2026

Happy International Museum Day! ๐Ÿ›๏ธ

This yearโ€™s theme, โ€œMuseums Uniting a Divided World,โ€ reminds us that museums connect people through shared stories, culture, and history. At Museo ng Muntinlupa, we continue to preserve and showcase the heritage of our community to inspire dialogue, understanding, and appreciation among generations.

Visit the museum and rediscover the stories that bring us together!

๐Ÿ•™ Museum Operating Hours:
Monday to Thursday | 10:00 AM โ€“ 5:00 PM

See you at the museum! โœจ

Ang Big Bang sa Alabang ay isa sa mga pinakakilalang holiday amusement park sa Muntinlupa noong dekada โ€™90, isang alaala...
17/05/2026

Ang Big Bang sa Alabang ay isa sa mga pinakakilalang holiday amusement park sa Muntinlupa noong dekada โ€™90, isang alaala ng kasiyahan at kabataan ng maraming pamilya. Matatagpuan ito sa lokasyon na kinatatayuan ng Molito Lifestyle Center ngayon.

Isa sa mga pinakasikat na atraksyon dito ay ang Adrenaline Rush, isa sa pinakamataas at makulay na slide sa Maynila noon, at ang Haunted House na dinadayo dahil sa mga nakakatakot nitong karakter. Isa rin ang mga clown, jugglers, at abot-kayang rides sa mga dahilan kung bakit ito ay dinudumog ng mga tao.

Ang mga karanasang ito ang naging inspirasyon ng Mamon Family upang buuin ang Enchanted Kingdom. Ang ganitong mga lokal na amusement parks ay naging bahagi na ng ating cultural memory at leisure heritage.
Isang paalala na ang mga simpleng alaala ng laro at tawa ay parte ng ating kilanlan.

โ€”

#๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜œ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข.




Thank you for visiting the museum, Ms. Nicole Hyala! ๐Ÿงก A true icon in Philippine radio, Ms. Nicole has become part of ma...
15/05/2026

Thank you for visiting the museum, Ms. Nicole Hyala! ๐Ÿงก

A true icon in Philippine radio, Ms. Nicole has become part of many Filipinos' daily routines through her witty humor, entertaining stories, and lively on-air personality.

Don't miss Love Radio, in partnership with the City Government of Muntinlupa, as they bring an exciting free concert this 30th of May at the Southville Covered Court. ๐Ÿ˜Š

Sa dami ng pinupuntahan naming barangay at LGU meetings lately, naaaliw ako minsan magmasid. Iba-iba talaga ang personality ng bawat city hall at meeting room. :)

But one meeting place that really stood out to me was Museo ng Muntinlupa. Maybe because it doesnโ€™t feel like a typical meeting venue. While waiting for discussions to start, you get to look around and actually learn a bit of history too. Thereโ€™s a museum area, conference rooms, even a theater. It feels alive. Parang hindi ka lang pumunta for permits, logistics, and production meetings, thereโ€™s also this feeling of getting to know the city itself. Nakakatuwa. :)

Btw, kaya kami nagmi-meeting ay dahil sa libreng concert para sa mga taga-Muntinlupa! Kitakits tayo sa May 30, sa Southville Covered Court. :)


Hindi lang basta lilim ang hatid ng mga punongkahoy sa ating lungsod, saksi rin sila sa kasaysayan. Karaniwan sa mga pan...
15/05/2026

Hindi lang basta lilim ang hatid ng mga punongkahoy sa ating lungsod, saksi rin sila sa kasaysayan.

Karaniwan sa mga pangalan ng barangay sa Muntinlupa ay nagmula sa ngalan ng mga punong karaniwang nakikita sa lugar nito. Katulad na lang ng Alabang (Alibangbang Tree), Buli (Buri Tree), at Cupang (Kupang Tree). Idineklara naman noong ika-100 anibersayo ng lungsod ang isang 110-year old ng puno ng mangga sa Alabang Elementary School bilang isang โ€œheritage treeโ€. Ang Centennial Tree na ito ay nasa pangangalaga ng lungsod at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa bawat ugat at dahon, nakatanim ang mga kwento ng nakaraan na patuloy nating pinapangalagaan. Ang kalikasan ay hindi hiwalay sa ating kultura, ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan.

โ€”

#๐˜“๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜“๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜บ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ.

Photo by Kevin Lopez




Ang mga pasilidad katulad ng Pepsi-Cola ay sumasalamin sa pagiging sentro ng Muntinlupa bilang industrial city. Sa loob ...
13/05/2026

Ang mga pasilidad katulad ng Pepsi-Cola ay sumasalamin sa pagiging sentro ng Muntinlupa bilang industrial city.

Sa loob ng maraming taon, nakatayo ang planta ng Pepsi-Cola Products Philippines Inc. (PCPPI) sa Brgy. Tunasan, bago pa man ito tuluyang magsara noong Disyembre 2024.

Bukod sa paggawa ng mga kilalang produkto, nagsilbi rin itong pangunahing hanapbuhay sa maraming residente ng lungsod.

Sa bawat bote, ay mga kwento ng tagumpay sa komunidad sa likod nito.

Naabutan mo ba ito? Ibahagi ang iyong kwento sa ibaba!

โ€”

#๐˜’๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ-๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฏฬƒ๐˜ฐ.




"Noong 1908, si Pura Villanueva-Kalaw ay tinanghal na "First Carnival Queen" ng Lungsod ng Maynila. Ito ang pinagmulan n...
11/05/2026

"Noong 1908, si Pura Villanueva-Kalaw ay tinanghal na "First Carnival Queen" ng Lungsod ng Maynila. Ito ang pinagmulan ng kasalukuyang "Binibining Pilipinas" o "Miss Philippines." Noong 1926, itinanghal ang unang paligsahan sa bansa. Mula noon, nagkaroon na rin sa mga kanayunan, lungsod, at barrio ng paligsahan ng kagandahan ng mga kababaihan. Ang Alabang (sa Muntinlupa) ay hindi nagpahuli. Si Bb. Valentina Landrito ang unang hinirang na "Miss Popular Club-Alabang" para sa taong 1957-1958."

Kayo ba ay naitatagong lumang larawan ng mga tao, lugar, o pangyayari sa Muntinlupa? Ibahagi lamang ito sa comment section sa baba o ipadala sa aming email:
[email protected] o [email protected]

โ€”-

#๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜›๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฉ๐˜›๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ.

Courtesy of Muntinlupa Public Information Office




Kasunod nang malalang sunog na tumupok sa lumang gusali sa city hall ng Muntinlupa taong 2007, ipinag-utos ng dating Pun...
10/05/2026

Kasunod nang malalang sunog na tumupok sa lumang gusali sa city hall ng Muntinlupa taong 2007, ipinag-utos ng dating Punonglungsod na si Aldrin San Pedro ang pagdisenyo ng panibagong city hall.

Idinisenyo ito ni Arch. Roderick Espina at inihango sa tradisyunal na bahay-kubo, isang simbolo ng pamana at arkitekturang Pilipino. Tampok dito ang mataas na disenyo, malalawak na espasyo, at malalaking bintana na nagbibigay ng natural na liwanag at bentilasyon.

Pinasinayaan ito noong ika-1 ng Marso, 2008. Ang gusaling ito ang nagpapaalala kung paano pinapahalagahan ng Muntinlupa ang kulturang Pilipino kahit sa makabagong panahon.

โ€”-

#๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜œ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข.




Ang ating mga ilog at lawa ay hindi lamang pinagkukunan ng kabuhayan, ito rin ay tahanan ng ating kasaysayan. May labing...
08/05/2026

Ang ating mga ilog at lawa ay hindi lamang pinagkukunan ng kabuhayan, ito rin ay tahanan ng ating kasaysayan.

May labing-isang ilog sa Muntinlupa. Karamihan dito ay nagsisilbing palatandaan ng separasyon ng mga barangay. Ang mga ilog na ito ay Bagumbayan, Sucat, Palico, Kabulusan, Pasong Diablo, Manggate, Alabang, Bayanan, Balimbing, Magdaong, at Tunasan. Sila ay tahimik na saksi sa mahahalagang yugto ng kasaysayan. Ang mga ilog na ito ay minsang naging bahagi ng galaw ng mga puwersa noong panahon ng kolonyalismo.

Sa mga ilog na ito umusbong ang kwento ng komunidad at tradisyon. Ngayong Buwan ng Pamana, ating pahalagahan ang mga anyong-tubig bilang mahalagang bahagi ng ating likas at kultural na pamana.
โ€”-

#๐˜“๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜“๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜บ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ.

Photo by Judgefloro




Bago pa man maging isang maunlad na lungsod ang Muntinlupa, ang mga industriya tulad ng Nestle ang isa sa humubog ng eco...
07/05/2026

Bago pa man maging isang maunlad na lungsod ang Muntinlupa, ang mga industriya tulad ng Nestle ang isa sa humubog ng economic landscape nito.

Taong 1960 nang maging magkatuwang sa negosyo ang Nestlรฉ S.A. at San Miguel Corporation na nagresulta sa pagkabuo ng Nutritional Products, Inc. (Nutripro). Noong 1962, unang naitayo ang pinakaunang pabrika ng Nutripro sa Alabang, Muntinlupa City. Nagbukas ito ng maraming oportunidad sa marami nating kababayan at naging parte ng pang-araw araw na buhay sa lungsod.

Para sa karamihan, hindi lang itong simpleng pabrika. Dito nahubog ang ibaโ€™t ibang propesyon at nabuo ang pagkakaibigan.

Ano ang memorable experience mo sa Nestle sa Alabang? I-share mo na sa comment section!

โ€”

#๐˜’๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ-๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฏฬƒ๐˜ฐ.




"Bago ang Mercury Drug, ang Botica Boie na itinatag ng mga kastila noong 1830 ang naunang botika sa buong bansa. Marso 1...
06/05/2026

"Bago ang Mercury Drug, ang Botica Boie na itinatag ng mga kastila noong 1830 ang naunang botika sa buong bansa. Marso 1, 1945 nang binuksan ni G. Mariano Que ang unang tindahan ng Mercury Drug sa Bambang, Maynila. Sa Muntinlupa, nakalarawan ang isa sa dalawang naunang botika sa Alabang, ang Farmacia Socorro na pagmamay-ari ni Curing Landrito-Manalang. Siya ang unang kumadrona at parmatiotika ng Alabang. Ang isa pang unang botika sa Alabang ay ang Farmacia San Roque na pagmamay-ari ni Gng. A. Joaquin. Sa ngayon, ang maliliit na tindahan ng gamot o botika ay naglalaho na sa pagyabong ng malalaking tindahan."

---

May naitatago ba kayong lumang larawan? Maaari niyo itong ibahagi sa comment section o kaya namaโ€™y isend sa aming email:
[email protected] o [email protected]

#๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜›๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฉ๐˜›๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ.

๐Ÿ“ท Courtesy of Muntinlupa Public Information Office




Address

Centennial Avenue, Barangay Tunasan
Muntinlupa City
1773

Opening Hours

Monday 10am - 4pm
Tuesday 10am - 4pm
Wednesday 10am - 4pm
Thursday 10am - 4pm
Friday 10am - 4pm
Saturday 10am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Museo ng Muntinlupa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to Museo ng Muntinlupa:

Share