Dayo & Raya Arts

Dayo & Raya Arts I am Heartist (Artist with Heart)

16/03/2026

"Saludo sa mga taong piniling anggulo ang pagiging pamanggulo."

02/03/2026

"In every season, see Son."

18/02/2026

"Kaya siguro wala ng prayer list kasi least na yung prayer."

12/02/2026

"Ang pinakamainam na hubog ng katawan ni Cristo,
ay maging kawangis Nya mismo."

12/02/2026

"Para malabanan ang pagiging insecure,
laging i-in si Cure (Jesus)."

"Ang gamot sa problemang 'inner child', ay alalahin lagi na ika'y child of God."

11/11/2025

HABAKUK

"Tahimik kong hihintayin ang takdang panahon...
Bagama't di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas,....
magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin."

https://youtube.com/shorts/ibjGKP4hoZw?si=oOAwVwXRNp6QRNb2



PAG-ASA"Kalbong kagubatan,Ibong walang madapuan,Maruming karagatan,Dilat-matang isda sa pampang.Usok ng pabrika,Pati ng ...
07/11/2025

PAG-ASA

"Kalbong kagubatan,
Ibong walang madapuan,
Maruming karagatan,
Dilat-matang isda sa pampang.

Usok ng pabrika,
Pati ng Edsa,
Luhaang yamang lupa,
Butas-butas sa pagmimina.

Hanggang pagtaya na lang ba?
Kelan matatapos ang pagtantsa?
Nalalaman ang paparating na bagyo,
Pero hindi mamataan ang nasa harapang delubyo (korapsyon).

Mabigat magsalita,
pero magaan ang kilos,
Sa mga hinihigaang salapi,
Sana’y nakakatulog.

Ilan na ang nagtaya ng buhay?
Di na matantsa ang hirap,
Kelan ba magkakakulay.....ang Pinas na daang taon ng bulag?

May PAG-ASA,
Pero tila nawawalan na ng pag-asa,
Lalo’t nasa gitna ng baha,
At mga bumubukang lupa.

‘Lam kong mahirap maging optimistiko sa gitna ng dilim,
Ngunit munti kong kandila’t panindi’y inyong pansinin,
Ako’y nananalig pa rin sa tumutugon sa panalangin,
Na Siyang unang naging ilaw sa mundong ginagalawan natin.

Palitan ang pagtaya ng pananampalataya,
Kahit mahirap ay patuloy umasa,
Inaasam-asam ng masa, makamtan na sana,
At tunay na delubyo ng Pinas, nawa’y mawala na.

Halina, Liwayway."

🫡©️ sa may-ari ng larawan

16/10/2025

(alcohol, tissue, pag-nguya ng pagkain, face mask, gulay, ehersisyo)
"Daming arte!"
"Minsan kailangan mong maging maarte para makaganap ka ng maayos sa pelikula ng buhay."

28/09/2025

"See you later... alligator.. 🐊🐊."

children song ng Pinoys last Sept. 20, 2025 11:59am.

25/09/2025

"Anong tawag sa nepong mataba (ang wallet?)?"

Ans: NEPOPOTAMUS

🐷🐊🦖🦀🐗

Awruahhyy koo..

22/09/2025

from "Ano? Bayan?! to "Anubayan! "

Address

Norzagaray
3013

Telephone

+639451607485

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dayo & Raya Arts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category