Silang Historical Society

Silang Historical Society Welcome to the official page of Silang Historical Society.

National Heritage Month 2026ROOTS AND HORIZONS: OUR SHARED HERITAGE, OUR COLLECTIVE FUTURERetablo, Colophon and Bas Reli...
16/05/2026

National Heritage Month 2026

ROOTS AND HORIZONS: OUR SHARED HERITAGE, OUR COLLECTIVE FUTURE

Retablo, Colophon and Bas Relief

The heritage treasures of Silang, Cavite embody a profound convergence of faith, artistry, and historical memory that continues to shape the cultural identity of the community. Among these treasures, the Retablos of Silang, the Jesuit colophon or monogram, and the bas relief of the Presentation in the Temple stand as enduring witnesses to centuries of devotion and artistic exchange between the Philippines and the wider world. Together, these sacred objects and architectural elements reveal how local heritage is deeply interconnected with global histories of religion, art, and cultural transmission.

The retablos of Silang are among the most remarkable examples of ecclesiastical architectural heritage in Cavite. Retablos, or ornate altar structures, served not merely as decorations within churches but as visual catechisms that instructed and inspired the faithful. The retablos of the old churches in Silang exhibit intricate craftsmanship characterized by elaborate columns, niches, floral carvings, and iconographic programs rooted in the Baroque tradition introduced during the Spanish colonial era. Their grandeur reflects the blending of European artistic ideals with the skills of local artisans who interpreted foreign designs through indigenous craftsmanship and materials.

Architecturally, the retablos represent the pinnacle of sacred interior design during the colonial period. They transform church spaces into environments of spiritual contemplation where architecture, sculpture, and liturgy become inseparable. Beyond their aesthetic value, these retablos preserve the memory of the artisans, patrons, missionaries, and communities who contributed to their creation. They are tangible reminders that Silang was once an important religious and cultural center where artistic traditions flourished. Their preservation today is essential not only because they are masterpieces of craftsmanship, but because they embody the continuity of faith and identity across generations.

Complementing the retablos is the presence of the Jesuit colophon or monogram, often represented through the sacred symbol “IHS.” This Christogram, associated with the Society of Jesus, became a defining emblem of Jesuit spirituality and missionary work throughout the world. In Silang, the presence of the Jesuit symbol reflects the deep historical influence of Jesuit missionaries in shaping the town’s spiritual and educational foundations. The monogram signifies not only the Holy Name of Jesus but also the intellectual and evangelical mission of the Jesuits, who played a vital role in spreading Christianity in the Philippines.

As faith heritage, the Jesuit colophon transcends its role as a mere decorative mark. It symbolizes the enduring relationship between spirituality and cultural formation. Through the Jesuit mission, communities such as Silang became connected to a broader global network of Catholic thought, education, and artistic exchange. The symbol also represents the persistence of religious memory within local heritage structures. Even centuries after its installation, the monogram continues to evoke the ideals of devotion, discipline, and service that characterized Jesuit spirituality. Its preservation allows present and future generations to appreciate the spiritual narratives embedded within the town’s architectural heritage.

Equally significant is the bas relief depicting the Presentation in the Temple, a sacred scene rooted in Christian scripture and artistic tradition. This relief acquires exceptional heritage value because its imagery can be traced to drawings and engravings originating from the Spanish Netherlands during the sixteenth century. During this period, religious prints circulated extensively throughout Europe and across colonial territories, becoming important models for painters, sculptors, and woodcarvers in distant lands, including the Philippines.

The connection between Silang’s bas relief and artistic traditions from the Spanish Netherlands demonstrates the global nature of cultural exchange during the early modern era. Flemish engravings and devotional prints, produced by renowned workshops and artists, traveled through trade routes and missionary networks to Asia, where they influenced local religious art. Filipino artisans adapted these imported images into local forms, translating European compositions into sculptural and architectural expressions suited to Philippine churches. The bas relief in Silang therefore represents more than a biblical narrative; it is evidence of transcontinental artistic dialogue spanning Europe and Southeast Asia.

As global heritage, the Presentation in the Temple relief highlights how Philippine religious art cannot be understood in isolation. It reflects centuries of interconnected histories involving colonization, evangelization, artistic migration, and cultural adaptation. While the imagery may have originated in sixteenth-century European drawings, its reinterpretation in Silang transformed it into a uniquely Filipino expression of faith and artistry. This fusion of global influence and local identity is what makes the relief historically invaluable.

Ultimately, the retablos of Silang, the Jesuit colophon, and the bas relief of the Presentation in the Temple collectively reveal the richness of Silang’s cultural heritage. They testify to the town’s role as a meeting place of architecture, religion, and international artistic exchange. More importantly, they remind contemporary society that heritage is not only about preserving old objects, but about safeguarding the stories, beliefs, and identities embedded within them. Through continued conservation and appreciation, these treasures of Silang will remain enduring symbols of the community’s shared past and collective future.

Maraming Salamat sa Cavite Studies Center at the LGU-Silang!
16/05/2026

Maraming Salamat sa Cavite Studies Center at the LGU-Silang!

National Heritage MonthRoots and Horizons: Our Shared Heritage, Our Collective FutureAng Kumbento, Aklat at Komunikasyon...
11/05/2026

National Heritage Month
Roots and Horizons: Our Shared Heritage, Our Collective Future

Ang Kumbento, Aklat at Komunikasyong Kolonyal.

Ang Casa Parroquial ng Silang ay ang lumang kumbento ng Matandang Simbahan ng Silang at maituturing na mahalagang istrukturang pangkalinangan sa ating bayan at maging sa buong bansa.

Ito ay naging tahanan ng paring si Fray Pedro de Sanlucar na umakda ng Vocabulario de Lengua Tagala taong 1754 kasama si Fray Juan Noceda. Ang aklat ay malawakang ginamit ng nga Heswita sa kanilang misyon sa Pilipinas.

Ito ang iba pang mga mahahalagang talang pangkasaysayan sa lugar na Ito.

- Tinatayang itinayo noong ika-17 dantaon ng mga paring Heswita bilang kanilang Residencia at sentro ng ebanghelisasyon sa bulubunduking Cavite. (Javellana, 1991:
- Nagsilbing bahay pahingahan ng Arzobispo ng Maynila noong 1656 sa kanyang paglalakbay papuntang Balayan at 1665 sa kanyang pagpupulong sa mga Heswita laban sa pang-aalipin (AAM Administration 1656 f.122- f.125 no. 11 and AAM Episcopal Decree 1665 f. 193)
- Naging tahanan ng paring si Padre Toribio Minguella y Arnedo na nag-akda ng Ensayo de gramatica Hispano-Filipina noong 1878 (Biblioteca Nacional de Espana: bvfe.es)
- Sadyang hindi sinunog ng mga puwersang Kastila noong labanan ng 1897 (Monteverde Cap VI; Ronquillo et Medina (ed), 1996: 443)
- Naging himpilan sa pananakop ng mga Amerikano noong 1900-1902 (Reclamaciones, 1903: 57)
- Naging tahanan ng maraming relihiyosong orden mula Heswita, Rekoletos, Congregation of the Immaculate Heart of Mary (CICM), Missionary Society of Saint Columban (SSC) at mga paring sekular at diyosesano. (Parish history records; Unabia, 1999: 187-188)
- Nagsilbing tanahan at himpilan ng Missionary Sisters of the Immaculate Heart of Mary (ICM) nang masunog ang kanilang kumbento sa Tondo. Noong 1943 inilaan ng mga paring Columbano ang kumbeto para sa kanila at mga batang ulila na inaaruga nito. (McCaslin Vol.3, 1999: 16)
- Naging bahagi ng katolikong mataas na paraalan ng Infant Jesus Academy noong 1945 (McCaslin Vol.3, 1999: 16)
- Isang halimbawa ng sinaunang arkitekturang kolonyal mula sa panahon ng mga Heswita at nag-iisang halimbawa ng bahay na bato sa Bayan ng Silang (Javellana, 1991: 204)
- Kinilala bilang bahagi ng Pambansang Yamang Pangkalinangan noong 2016 kasama ang simbahan at mga retablo ng Matandang Simbahan ng Silang. (National Museum 2016)

Mula sa Cavite Studies CenterAng G**o, Ang Mandirigma, at Ang Monumento: Ang Kwento ni Maestrong EmongSa paglipas ng pan...
07/05/2026

Mula sa Cavite Studies Center

Ang G**o, Ang Mandirigma, at Ang Monumento: Ang Kwento ni Maestrong Emong

Sa paglipas ng panahon, madalas nating naiisip na ang kasaysayan ay isinulat lamang ng mga heneral na may hawak na espada o mga pulitikong may tangang pluma. Subalit sa lalawigan ng Cavite, may isang tahimik na bayaning nag-iwan ng marka hindi lamang sa silid-aralan kundi pati na rin sa larangan ng digmaan. Siya ay si Guillermo Bayan, na mas kilala ng mga taong nagmamahal sa kaniya bilang "Maestrong Emong."

Nagsimula ang kaniyang kwento noong ika-25 ng Hunyo, 1874, sa bayan ng Silang. Isinilang siya sa isang may-kayang pamilya—anak nina Macario Bayan at Anastacia Ancanan. Sa panahong ang edukasyon ay isang pribilehiyo, sinuong ni Guillermo ang landas ng pagkatuto. Nagtungo siya sa Maynila upang mag-aral sa Escuela Normal, kung saan hinubog siya upang maging isang g**o. Nang makapagtapos noong 1893, bitbit niya ang pangarap na magbahagi ng kaalaman. Agad siyang naitalaga sa Amadeo, napunta ng panandalian sa Albay, hanggang sa makabalik sa kaniyang mahal na bayang sinilangan, ang Silang, noong 1894. Tahimik at payapa ang kaniyang buhay bilang isang binatang g**o na sumasahod ng labimpitong piso kada buwan.

Ngunit ang kapayapaang ito ay pansamantala lamang. Pagsapit ng 1896, sumiklab ang Himagsikang Pilipino. Sa halip na magtago sa likod ng kaniyang propesyon at kariwasaan, pinili ni Maestrong Emong na tumugon sa tawag ng bayan. Binitawan niya ang kaniyang tisa at kuwaderno, at humawak ng armas. Naging isa siyang opisyal ng rebolusyonaryong hukbo na buong-tapang na nagtanggol sa Silang. Nasaksihan niya ang bangis ng digmaan, at naging kasama pa ni Heneral Emilio Aguinaldo sa mapait na "Mahabang Martsa" mula Maragondon patungong Cabangaan noong 1897.

Nang masakop ng mga Amerikano ang bansa, hindi agad sumuko ang g**o. Ipinagpatuloy niya ang pakikidigmang gerilya sa kabundukan ng Katimugang Cavite. Naging mainit siya sa paningin ng mga bagong mananakop. Napilitan lamang siyang ibaba ang kaniyang armas noong 1901, matapos makiusap ang kaniyang mga kaibigan na unti-unti nang nadudurog ang pwersa ng mga Pilipino.

Sa ilalim ng bagong dayuhang bandila, natagpuan ni Maestrong Emong ang kaniyang sarili sa isang sangang-daan. Paano maglilingkod sa bayang sakop ng iba? Ang kaniyang naging sagot ay ang pagbabalik sa kaniyang unang pag-ibig: ang pagtuturo. Ibinaba niya ang kaniyang pride at naging isang mag-aaral muli—pinag-aralan ang wikang Ingles mula sa mga g**ong Amerikano upang patuloy na makapagturo sa mga kabataang Pilipino.

Taong 1907 nang malipat siya sa Intermedia ng Indang (na kalaunan ay nakilala bilang Indang Farm School). Dito niya iginugol ang mahabang panahon ng kaniyang buhay. Sa likod ng mga Amerikanong principal na namumuno sa paaralan, si Maestrong Emong at ang kaniyang mga kapwa g**ong Pilipino ang nagsilbing tunay na haligi at gulugod ng institusyon. Dito rin niya natagpuan ang kaniyang ikalawang asawa na si Engracia Penales, kung saan bumuo sila ng isang masayang pamilya.

Nagretiro si Maestrong Emong sa pagtuturo noong 1917, subalit hindi pa tapos ang kaniyang misyon. Pinasok niya ang pulitika bilang bahagi ng oposisyon at naging konsehal ng Silang noong 1918. Sa yugtong ito ng kaniyang buhay, pinangunahan niya ang isang proyektong magpapatunay na hindi kailanman namatay ang apoy ng himagsikan sa kaniyang puso: ang pagpapatayo ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa Silang.

Noong inagurasyon ng monumento noong Enero 13, 1918—sa panahong mahigpit pang ipinagbabawal ng mga Amerikano ang pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas—tumayo si Maestrong Emong sa harap ng kaniyang mga kababayan at nagbigay ng isang nag-aapoy na talumpati. Inilarawan niya ang monumento hindi lamang bilang isang bato, kundi bilang isang sumpa: na silang mga anak ng bayan ay "hindi humihiwalay at hindi makakahiwalay sa sinimulang gawain ng ating mga bayani; na pagtuklas sa katubusan ng ating Bayan."

Pumanaw si Guillermo Bayan noong Nobyembre 10, 1926, hawak pa rin ang tungkulin bilang konsehal. Ang kaniyang buhay ay isang patunay na ang pagka-makabayan ay walang pinipiling propesyon o panahon. Siya ang g**ong sumunod sa patakaran ng dayuhan sa labas, ngunit nanatiling tapat sa kalayaan ng Pilipinas sa kaniyang puso—isang maestrong nagturo ng kasaysayan, at siya mismong gumawa nito.

Sanggunian

Anciano, Daniel M. Intermedia ng Indang 1904-1927

Ang bagong Board of Trustee para sa taong 2026-2029.Chairperson: Professor Teresita UnabiaPresident: Phillip NAL MedinaV...
04/05/2026

Ang bagong Board of Trustee para sa taong 2026-2029.

Chairperson: Professor Teresita Unabia
President: Phillip NAL Medina
VP External: Dr. Jesus Medina
VP Internal: Leonilo Batino
Secretary: Rick Harvey Datiles
Archivists: Adam Reyes at Esmeralda Vinzon
Treasurer: Gervi Destura
Membership Comm: Bernard Salazar
Grievance:l Comm: PLTCol Charles Capagcuan

Biñan, Laguna to General Trias, Cavite in 26 minutes? CALAX Subsection 3 is now open and ready to provide faster and smo...
04/05/2026

Biñan, Laguna to General Trias, Cavite in 26 minutes? CALAX Subsection 3 is now open and ready to provide faster and smoother mobility in southern Luzon!

CALAX Subsection 3 is a 7.88-kilometer stretch from the Silang (Aguinaldo) Interchange to the Governor's Drive Interchange in General Trias, Cavite.

Customers can enjoy toll-free travels along CALAX Subsection 3 for one month.

Motorists will only pay the existing toll fees for CALAX Subsections 4 to 8 (Mamplasan in Biñan, Laguna to Silang (Aguinaldo) in Cavite. Any updates will be announced by the Toll Regulatory Board (TRB) in coordination with CALAX management.

Dalawang unang babaeng g**o sa lalawigan ng Cavite. Isa sa Tanza at isa sa Silang.Salamat Sir Daniel.
04/05/2026

Dalawang unang babaeng g**o sa lalawigan ng Cavite. Isa sa Tanza at isa sa Silang.

Salamat Sir Daniel.

Ang Liwanag ng Edukasyon sa Kabundukan:
Ang Kwento ni Maestra Felisa Mercado

Sa mga makukulay na pahina ng kasaysayan ng edukasyon sa lalawigan ng Cavite, madalas na nabibigyan ng malaking pansin ang mga banyagang Thomasites na dumating noong panahon ng mga Amerikano upang magtayo ng mga pampublikong paaralan. Subalit, sa likod ng matagumpay na pagtataguyod ng sistemang pampaaralan, may mga natatanging Pilipinong g**o na tahimik na nag-alay ng kanilang talino at lakas upang maging haligi ng kaalaman ng mga kabataan. Kabilang sa mga naunang bayaning ito ay si Maestra Felisa Mercado, isang matapang at matalinong babaeng tubong-Silang. Batay sa masusing pag-aaral at pagtatala ng lokal na mananalaysay na si Daniel Anciano sa kanyang aklat na "Intermedia ng Indang," ang kwento ni Felisa ay isang nakapupukaw-damdaming naratibo ng kahusayan at wagas na sakripisyo.

Ang Pagsusulit noong 1904 at ang Dalawang G**ong Insular ng Cavite
Ang talino at kakayahan ni Felisa Mercado ay napatunayan sa isang napakabihirang pagkakataon noong unang dekada ng ika-20 siglo. Noong 1904, nagpa-iral ang pamahalaang sibil ng isang napakahigpit na pagsusulit sa Civil Service upang piliin ang mga unang magiging g**ong insular o mga g**ong direktang pinapasweldo ng pamahalaang nasyonal. Sa kasaysayan ng buong lalawigan ng Cavite noong taong iyon, dalawa lamang na babae ang nakapasa sa mahigpit na pagsusulit na ito. Ang una ay si Rosario Imson mula sa bayan ng Tanza, at ang ikalawa ay walang iba kundi si Felisa Mercado ng Silang. Ang pambihirang tagumpay na ito ay hindi lamang nagbigay karangalan sa kanilang mga sariling bayan, kundi nagbukas din ng pinto para sa pagkilala sa angking kakayahan ng mga kababaihang Caviteña sa larangan ng serbisyo sibil at pampublikong edukasyon.

Ang Unang Sabak sa Pagtuturo: Intermedia ng Indang
Dala ang prestihiyo bilang isa sa dalawa lamang na babaeng g**ong insular sa Cavite, tumugon si Felisa sa tawag ng tungkulin sa matataas na bahagi ng lalawigan. Ang kanyang pinakaunang pormal na destinasyon ay ang tanyag na Indang Intermediate School, o mas kilala sa kasaysayan bilang Intermedia ng Indang. Sa institusyong ito, na nagsilbing sentro ng mas mataas na karunungan para sa buong upland Cavite, inatasan siyang magturo sa mga mag-aaral ng Ikaapat na Baitang (Grade 4). Hindi naging madali ang magturo sa isang malaking paaralan na dinadayo pa ng mga mag-aaral mula sa Alfonso, Bailen, Amadeo, at maging mula sa kanyang sariling bayan na Silang. Sa silid-aralan ng Grade 4, napatunayan ni Maestra Felisa ang kanyang tiyaga at galing sa paghubog ng kaisipan ng mga kabataan upang ihanda sila sa mas matataas na antas ng akademya.

Ang Paglipat sa Amadeo: Pagpapatuloy ng Misyon
Matapos ang kanyang tapat na paglilingkod sa Indang, dumating ang isang bagong direktiba. Kinailangan siyang malipat sa karatig-bayan ng Amadeo upang pumalit sa pwestong binakante ng isa ring g**o na nagngangalang Guillermo Bayan. Ang paglipat na ito ay nagpatunay sa malaking tiwala ng mga nangangasiwa ng edukasyon sa kanyang kakayahang pamunuan at ituloy ang mahusay na nasimulan ng kanyang hinalinhan sa bayang iyon.

Ang pagpunta at pamamalagi sa Amadeo noon ay may kaakibat na malaking pisikal na sakripisyo. Ang mga kalsadang nag-uugnay sa Silang, Indang, at Amadeo ay kadalasang madawag, maputik, at nilalakad lamang nang mahabang oras o sinasakyan ng kabayo. Sa kabila nito, hindi nag-atubili si Felisa. Tinanggap niya ang hamon nang buong puso at sinig**ong ang mga mag-aaral sa Amadeo ay patuloy na makakatanggap ng de-kalidad na edukasyon mula sa isang g**ong insular.

Ang Pamana at Iniwang Alab
Ipinakita sa makabuluhang pananaliksik ni Anciano na ang pagiging g**o ni Maestra Felisa ay isang purong misyon para sa bayan. Mula sa pagpasa sa makasaysayang pagsusulit noong 1904 kasama si Rosario Imson bilang dalawang natatanging babaeng g**ong insular ng Cavite, hanggang sa paghubog ng mga mag-aaral sa Indang at pagtanggap ng tungkulin sa Amadeo, siya ay nagsilbing perpektong salamin ng isang tunay na lingkod-bayan. Nananatiling utang natin sa mga obrang pangkasaysayan tulad ng "Intermedia ng Indang" ang pagpapanatili ng ganitong mga pamana, upang ang kwento ng kabayanihan ni Maestra Felisa Mercado ay patuloy na maging sulo ng kaalaman para sa mga susunod na salinlahi.

Ang makasaysayang pagdating ng Pangulo ng Pilipinas, Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Bayan ng Silang sa pagbubukas ng ikatlo...
04/05/2026

Ang makasaysayang pagdating ng Pangulo ng Pilipinas, Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Bayan ng Silang sa pagbubukas ng ikatlong bahagi ng Cavite-Laguna Expressway o CALAX na magdudugtong sa Aguinaldo Highway sa bahagi ng Barangay B**a, Silang sa Lungsod ng General Trias.

Ang mga kalsada ay tanda ng pag-unlad ng isang pamayanan o bansa sa pagtulong nito sa aspektong transportasyon at komunikasyon. Dalawa ang lagusan ng CALAX sa Silang, isa sa Barangay Tibig at isa sa Barangay B**a.

Photos: Harvey Datiles at Jay Poblete

Pagkakaloob ng SHS Cultural Research Citation para kay Eugene Ivan Nibay para sa kanyang thesis na pinamagatang, Indayon...
03/05/2026

Pagkakaloob ng SHS Cultural Research Citation para kay Eugene Ivan Nibay para sa kanyang thesis na pinamagatang, Indayon: An Architectural Profile of the Jesuit Churches in Cavite during the Spanish Colonization na nagtatampok sa mga simbahan sa Silang, Indang at Maragondon.

Ang SHS Cultural Research Citation Program ay isang programang kumikilala sa mga pagsasaliksik ng mga mag-aaral para sa pagpapalalim ạt pagpapayaman ng kasaysayan, kultura, at kalinangang Silangueño.

Ang Silang Historical Society (SHS) ay magbibigay ng pagkilala sa mga isusumiteng research para sa Aklatang Bayan ng Silang. Bukas ito sa mga mag-aaral ng sekundarya ạt kolehiyo na gumawa ng pag-aaral sa Silang o sektor ạt aspekto ng bayan sa loob ng 10 taon.

Pagbabatayan sa pagpili ang sumusunod na pamantayan:

1. Naging paksa ang Silang sa kanilang thesis o research work sa high school o college level.
2. Nakapaglathala sa school paper o presentasyon sa labas ng paaralan gamit ang tema o datos ng Silang.
3. Nakapagbigay ng kopya ng pag-aaral tungkol sa kasaysayan at kultura ng Silang sa aklatang Bayan.
4. May ibinahaging natatanging larawan o video tungkol sa Silang at kultura nito para sa pagtatago ng Aklatang Bayan at Kapisanan .

Ang mga mapipiling mga gawa para sa pagkilala ay bibigyan ng SHS pin ạt sertipiko na pinamagatang SHS Cultural Research Citation o SHS Cultural Research Honorable Citation.

SHS Regular Meeting for the Month of May 2026Awarding and Donation TurnoverCongratulations Eugene Ivan Nibay for your de...
03/05/2026

SHS Regular Meeting for the Month of May 2026

Awarding and Donation Turnover
Congratulations Eugene Ivan Nibay for your dedication in completing the architectural documentation of Silang, Indang and Maragondon churches. You are recognized with an SHS Cultural Research Citation. Thank you for the technical drawings for the Silang Church.

Thank you JB Saulog for the donation of antiquarian photos of Silang Church.

Thank you Ma’am Erlinda Marietta Evelyn Montoya-Gloria for the municipal hall photo donation.

Thank you Aere Perennius BINHS for the turnover of urban documentation studies from the Bulihan/BAYANI Cluster.

Congratulations to the new set of officers.

Photos: Sir Leonilo Batino, Sir Harvey Datiles, Sir Juan Gabriel Bravo, Sir Adam Reyes, and Sir Bernard Salazar.

Eleksyon para sa 2026-2029 Board of Trustee and Officers. Itinatag ang kapisanan noong 1979. Nawala ng anim na taon mula...
03/05/2026

Eleksyon para sa 2026-2029 Board of Trustee and Officers.

Itinatag ang kapisanan noong 1979. Nawala ng anim na taon mula 2010 hanggang 2016. Nabuo muli ang board noong 2016 at naging aktibo muli noong 2022. Naghalal ng bagong opisyales noong 2023 na nagtatapos ngayon taong 2026. Sa araw na ito ay muling hahalal ng Board of Trustee at Officers ang Silang Historical Society.

Address

Silang
4118

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Silang Historical Society posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to Silang Historical Society:

Share

Category