22/03/2026
IKA-77 NA ANIBERSARYO NG KAMATAYAN NI DR. GALICANO APACIBLE
Ngayong araw ay ginunita ang ika-77 anibersaryo ng kamatayan ni Galicano Apacible sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa kanyang busto sa Plaza Mabini, Balayan, Batangas.
Pinangunahan ni Punongbayan Lisa Ermita-Abad ang pag-aalay ng bulaklak kaninang umaga na kinatawanan ni Pangalawang Punongbayan Efren Chavez. Nag-alay din ng bulaklak ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas na kinatawanan ni G. Kristoffer Xeirem R. Medina ng Museo nina Leon at Galicano Apacible. Gayundin ang mga kaanak ni Apacible, mga Pambansang Pulisya ng Pilipinas-Balayan, Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Philippine Coast Guard, at mga Mason.
Si Galicano Apacible ay isang propagandista, nagsilbi siyang pangulo ng La Solidaridad. Kinalaunan, nagsilbi naman siya bilang tagapangulo ng Comite Central Filipino sa Hong Kong na naging sentro ng mga gawaing rebolusyonaryo sa labas ng Pilipinas at pinagpunyagian ang pagkilala sa soberanya ng Pilipinas. Dahil dito, ipinadala siya bilang sugo sa ibaโt ibang bansa.
Pagkatapos ng digmaang Pilipino-Amerikano, pumasok siya sa pulitika, naihalal bilang gobernador ng Batangas, at naging kinatawan sa Asembleya ng Pilipinas. Paglaon ay itinalaga naman siya bilang Kalihim ng Agrikultura at Likas na Yaman. Namatay siya noong ika-22 ng Marso 1949.