Harold Barredo Rosido Archives & Collections

Harold Barredo Rosido Archives & Collections More On Local History of Tarlac Province

Maraming Salamat Ervan Mendoza at ng iyong buong team para sa makabuluhang talakayan sa Kasaysayan ng Lalawigan ng Tarla...
16/12/2025

Maraming Salamat Ervan Mendoza at ng iyong buong team para sa makabuluhang talakayan sa Kasaysayan ng Lalawigan ng Tarlac.😊😊😊

Nakiisa Ang Harold Barredo Rosido Archives and Collections, Library and Museum sa isinagawang Education Week ng DepEd Ta...
02/12/2025

Nakiisa Ang Harold Barredo Rosido Archives and Collections, Library and Museum sa isinagawang Education Week ng DepEd Tarlac Province. Kasalukuyan na naka Exhibit Ang naturang mga Koleksyon Sa Historical Section sa Booth ng Bayan ng La Paz. Ito Ang kauna unahang pagkakataon na maisasama sa Exhibit Ang ilan sa mga natatanging Koleksyon Ni Sir Harold Barredo Rosido na Bahagi din ng kanyang Project MPL-K3A sa Kapanikian Elementary School Ang nag iisang Museo sa La Paz Mula sa Elementary Level. Kasama din nya Ang Guevara High School sa pag aayos sa pangunguna ni Madam Arnie Lou Tomaquin Yippun Arnie . Magtatagal Ang naturang Exhibit Hanggang December 5, 2025 sa May bahagi ng Maria Cristina Park sa May Tarlac Capitol. Halina at Bisitahin Ang Booth ng Bayan ng La Paz πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

Ang HBR Library and Museum ay Nakikiisa sa pag-gunita ng ika-154 na Taong Kaarawan ng ating Bayani ng Lalawigan ng Tarla...
17/09/2025

Ang HBR Library and Museum ay Nakikiisa sa pag-gunita ng ika-154 na Taong Kaarawan ng ating Bayani ng Lalawigan ng Tarlac na si Heneral Francisco S. Makabulos.

Nakiisa tayo sa nasabing pagdiriwang sa Kapanikian Elementary School kasama ang ilan sa mga Officers ng SELG, YES-O at Project AYO. Naroon din sa nasabing pagdiriwang si Sir Jhonson T. Batad, G**o sa Kapanikian Elementary School. ang Kapatiran ng K.A.L.K. ay kasama din sa pagdiriwang na ito. Nag alay ng mga bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal at sa Larawan ni Heneral Makabulos ang mga dumalo sa pagdiriwang.

Pictures Courtesy of: HBR Library and Museum, Archives and Collections, Records and Management (2025)

Maraming Salamat sir Robie Quiballo (G**o/Hostoryador) sa Pagbisita at pag donate ng mga aklat para sa aking Library na ...
19/05/2025

Maraming Salamat sir Robie Quiballo (G**o/Hostoryador) sa Pagbisita at pag donate ng mga aklat para sa aking Library na magiging bukas sa publiko sa nalalapit na hinaharap.πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

Nais ko ring Pasalamatan Ang iba pang nakapag bahagi ng kanilang mga aklat na ayaw isapubliko Ang kanilang mga pagkakakilanlan. Maraming maraming Salamat sa inyong mga donasyon at sa palaging pag suporta sa aking mga adbokasiya. πŸ₯°πŸ₯°

Sa mga nais pang magbahagi ng mga aklat na di na ginagamit ay maari pong makipag ugnayan sa aming tanggapan para muling napakinabangan Ang mga aklat na nag bigay sa Inyo ng kaalaman na magagamit pa ng mga susunod na henerasyon. Kami din po ay tinatanggap ng mga school supplies na atin pong ipinamamahagi sa mapipiling Barangay beneficiary. Maraming Maraming Salamat po at God Bless po sa ating Lahat😊😊πŸ₯°πŸ₯°

Ngayong Buwan ng Mayo  2024 ay Pinagdiriwang ang Heritage Month. BIlang Pakikiisa ng Harold B. Rosido Archives and Colle...
16/05/2025

Ngayong Buwan ng Mayo 2024 ay Pinagdiriwang ang Heritage Month. BIlang Pakikiisa ng Harold B. Rosido Archives and Collections ay narito ang isa sa pinagmamalaki ng Brgy. Lomboy, La Paz, Tarlac na Sta. Cruzan o Mas kilala sa lokal na kadawaigan dito na Laring Laring.

Mga kuhang Larawan habang isinasagawa Ang Laring Laring (Sta. Cruzan).

Courtesy of: Harold Barredo Rosido Library and Museum
Harold Barredo Rosido Archives and Collections
Harold Barredo Rosido Records and Management
All Right Reserved 2025

16/05/2025

Ngayong Buwan ng Mayo 2025 ay Pinagdiriwang ang Heritage Month. BIlang Pakikiisa ng Harold B. Rosido Archives and Collections ay narito ang isa sa pinagmamalaki ng Brgy. Lomboy, La Paz, Tarlac na Sta. Cruzan o Mas kilala sa lokal na kadawaigan dito na Laring Laring.

Ang Sta. Cruzan (Laring Laring Kung tawagin) ng Lomboy ay matagal ng isinasagawa. Maaring Mahigit sa isang daang taon na ang pamanang tradisyon na ito. Ang Laring Laring ay isinasagawa sa loob ng Siyam na gabi. Noong araw ito ay pinamamahalaan ng Hermana Mayor, ito yung pinaka punong abala sa lahat dahil sya ang magpapasaya at magpapa pyesta sa buong barrio. ipinapanik sa mga bahay bahay ang laring laring at kinabukasan ito'y ibababa at muling ipapanik sa kasunod na pagpapanikan kinabukasan.

sa Mismong Kapistahan ay may banda na iikot sa buong Barrio at susundan din ito ng mga Misa ng Simbahang Katolika at ng Aglipay dito sa Lomboy. Sa Hapon ay muling iikot ang banda ng muusiko sa mga bahay ng mga pinanikan ng laring laring para tugtugan habang sila ay nagpapalaro. sa gabi naman aty magkakaroon ng parada ng mga sagala kasama ang lahat ng mga batang babae na pinutungan ng corona sa mga bahay na pinanikan ng laring laring kasama ang kanilang mga consorte. kasama rin sa pagtitipon na ito ang prosisyon at ito'y magtatapos sa plaza para sa huling sayaw ng laring laring. Noong araw ang puputungan sa plaza ng corona ay ang susunod na mag hehermana mayor para sa susunod na taon.

ang Sta. cruzan ng Lomboy ay isinasayaw, binubuo ito ng tatlong naggagandahan na mga dilag nakumakatawan kay Reyna Elena, Lydia at Blanca at ang Gumaganap na Constantino na syang may hawak naman ng Bandila ng Pilipinas.

ang Corona ay nasa pag iingat ni Reyna Elena ang Cruz ay nasan pag iingat ni Lydia at ang Orihinal (Biblia) ay nasa Pag iingat ni Blanca. Magiliw ang kanilang pag indayos sa saliw ng musika ng Laring Laring habang iwinawagayway ng kanilang kanang kamay ang panyong puti na nakasabit sa kanilang kasuotan.

Nasa gitna ng pinagdadausan ng sayaw ang batang babae na puputungan na syang tatanggap ng Corona, Cruz at Orihinal. tanda ito ng pagpanik ng Sta. Cruzan sa bahay ng kanilang pinanikan.

sa ibang lugar dito sa La Paz, Tarlac ay ganito rin ang Sta. Cruzan particular sa Guevara at Matayumtayum. karaniwang banda ng musiko o di kaya'y bandurya ang tumutugtog na nagbibigay kasiyahan sa buong selebrasyon ng Sta. Cruzan.

Courtesy of: Harold Barredo Rosido Library and Museum
Harold Barredo Rosido Archives and Collections
Harold Barredo Rosido Records and Management
All Right Reserved 2025

Address

Tarlac City
Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Harold Barredo Rosido Archives & Collections posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to Harold Barredo Rosido Archives & Collections:

Share

Category