Simple Life in America

Simple Life in America Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Simple Life in America, Art Gallery, 12012 Holbrook Drive apt 14, Hudson, FL.

05/26/2025

Iba ang MADAMOT sa may alam sa KAHALAGAHAN ng PAG-IIPON.

Karamihan sa ating mga pinoy kadalasan walang ipon dahil na rin sa mga ka pamilya at kamag-anak na hingi doon at hingi dito. At Kapag hindi mo napag-bigyan ikaw pa ang madamot.

Una bawat pilipino may dahilan kung bakit kailangan nila mag OFW. Una, Oo para sa pamilya pero hanggang kailan nga ba tlaga dapat umasa ang buong angkan sa isang OFW??

Ito ang isa sa dahilan kung bakit kadalasan walang ipon ang isang OFW. Dahil lahat na lamang ng pangangailangan ng pamilya ini-ASA na lahat sa OFW.

Hindi masama minsan TUMANGGI hindi ito nangangahulugan na ikaw ay Madamot. Ang pag-TANGGI lalo na sa panay naka-Lahad ang palad ay para MATURUAN sila na mag-BANAT din naman ng BUTO. Kung palagi mo sila tutulungan PAANO sila MATUTUTO??

MATUTONG mag-IPON. Alalahanin HINDI ROBOT ang ating PANGANGATAWAN. Para kung dumating ang PANAHON na HINDI na KAYA ng IYONG KATAWAN ang WALANG KAPAGURAN na TRABAHO. May MADUDUKOT tayo kahit paano para maka-SURVIVE ng walang aalalahanin. Dahil
sa TOTOO TAYO Kapag wala ka ng SILBI HINDI kana KIKILALANIN ng mga TAONG panay naka-LAHAD sa iyo.

LEGIT yan kahit kadugo mo pa pag papa-Sahan ka na kung sino ang mag-AALAGA lalo na kung ang mga ito HINDI ang ALAM ang TUNAY nang HIRAP ng isang OFW.

Isang PAALALA lamang ito para sa KATOTOHANAN. Na I share ko lamang ito dahil sa isang KAIBIGAN na halos BUONG BUHAY nya INILAAN ang PAG-TULONG para sa PAMILYA at KAMAG-ANAK ngaun siya ay may SAKIT kung KANI-KANINO siya PINAG-PAPASAHAN para MAALAGAAN. Pero imbes na maalagaan siya kung anong masasakit na salita ang kanyang naririnig. NAKAKALUNGKOT lamang nabigyan nya ng sariling bahay at lupa ang kanyang mga kapatid. Maging Ang kanyang ilang pinsan. Mismo pati bahay niya na kanyang magulang nakatira pero kung TRATUHIN siya parang wala siyang karapatan na tumira roon, ni hindi nga nya nakuha magkaroon ng sariling pamilya dahil sa pagmamahal nya para sa magulang, kapatid at kamag-anak ngunit ito lamang ang kanyang napala pagkatapos ng ilang dekada.

Lesson learned: HUWAG ibigay ang 💯 na pagtulong maigi na ang mag IPON at matutong TUMANGGI. Kesa ikaw ang maging KAWAWA sa HULI.

05/22/2025

RESPETO at HUWAG MAKIPAG-KUMPETISYON sa IBANG TAO. HIGIT sa LAHAT, sa BAWAT HAKBANG mo gawin mong SENTRO ng iyong BUHAY ay ang DIYOS.

Isang bagay na hindi dapat mawala sa isang tao. RESPETO para sa sarili, sa pamilya, kamag-anak at kaibigan maging sa ibang tao.

RESPETO ang bawat paniniwala ng isang tao. Hindi lahat ay pare-pareho ng pinag-mulan. Maaaring may pagka-kahalintulad sa iyong buhay ngunit hindi ibig sabihin ay pareho kayo ng mga karanasan. May buhay na sobrang hirap ang pinagdaanan, ang iba medyo nakaka-ahon at meron namang napaka-swerte.

HUWAG MAKIPAG-KUMPETISYON.
Alin man diyan ay hindi natin alam Ano ang tunay na kwento sa likod ng kanyang-kanyang buhay. May mahirap pero masayang buhay, may maahon na buhay pero hindi kuntento at walang saya. May mayaman ngunit sa likod neto may itinatagong lihim ng dilim.

Mas maigi nang pagtuunan mo na lamang ng pansin ang iyong sariling buhay. Kung paano mo mapapalago ang iyong buhay ng wala kang tinatapakang ibang Tao. At habang ginagawa mo ito ay punong-puno ang iyong puso ng kagiliwan na KASAMA ang DIYOS sa bawat hakbang mo. Siya ang gawin mong SENTRO sa lahat ng bagay. At Kapag Meron ka neto kailanman ay HINDI ka MABIBIGO sa iyong mga PANGARAP. Minsan Hindi man pangarap mo mismo ang iyong makuha pero mas HIGIT pa pala ang iyong MAKUKUHA dahil sa KANYA.

MABUHAY ng HINDI LAMANG para sa LUHO. HINDI para sa KAYAMANAN na KAILANMAN ay HINDI mo MADADALA sa KABILANG BUHAY.
MABUHAY ka ng MATIWASAY at KASAMA ang DIYOS.


12/31/2022

Sa Pilipinas kapag Birthday ng isang tao iyong mismong May birthday ang mag-papakain. Minsan pa nga malayo pa ang birthday eh, itong mga nakakaalala aba nag-papaalala na nga ng handa 😂 then Kapag ka wala ka maihanda sasabihan ka pang KURIPOT! Parang ang lagay eh, ipinanganak ka para pakainin mo sila tuwing birthday mo kaloka ha?! 😂😅

Wala naman masama kung mag-handa mismo ang May kaarawan kung siya mismo ang nag-plan. Pero wag kang manguna sa taong May kaarawan. At kung walang handa huwag kana din mag-salita ng hindi maganda.

Pero Ano nga ba dapat gawin sa isang taong may birthday 🤔🤔🤔 hindi ba siya nga dapat ang pag-handaan at regaluhan? kasi siya ang ESPESYAL sa araw na iyon.





12/05/2022

Kung ikaw ay binigyan choice ng isang tao para tulungan ka, pero ang gusto mo pa din puro “HINGI” o “ASA” Ano sa palagay mo ang mangyayari sa iyo? Kundi “WALA” ikaw din “MAGSISISI sa bansang HULI” kaya dapat kung tinutulungan kana ng isang tao dapat ay TULUNGAN mo rin mismo ang iyong SARILI.

12/04/2022

Fill your life with wisdom, experiences and have stories to tell not extravagant stuff to show

Address

12012 Holbrook Drive Apt 14
Hudson, FL
34667

Telephone

+17722035445

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Simple Life in America posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Museum

Send a message to Simple Life in America:

Share

Category